MATAAS ANG RESPETO natin kay Sen. Miriam Defensor Santiago.
Hindi lamang dahil sa angkin niyang talino.
Higit sa lahat, sa kanyang tapang na sabihin ang isang bagay na sa tingin niya ay mali.
No problem, parekoy, roon sa mga nauna niyang pagbawi sa kanyang mga idinakdak sa Senado.
Ang tinutukoy natin na kanyang pag-atras, parekoy, noon ay nang sinabi niya sa senate hearing tungkol sa NBN-ZTE scam kung saan mataray na sinabi ni Sen. Santiago na ang mga Intsik ang nagpasi-mula ng corruption sa buong mundo.
Days after, nang ma-realize niya ang depekto ng kanyang paratang ay bigla siyang bumawi.
Walang problema ‘yun dahil walang makapagsasabi na may bargain o kapalit sa kanyang pag-atras.
Pero itong huli, hindi ko masisisi ang aking “tawiwit” kung mag-isip na posibleng may naganap na hindi kanais-nais sa biglang pag-ikot ng puwit ng matapang na senadora.
Tandang-tanda ko pa, parekoy, ang sigaw noon ni Miriam na kapag i-postpone ang halalan sa ARMM, ito ay unconstitutional!
Ang masakit ay ang karugtong na sinabi ni Miriam.
Kung sinuman ang may pakana ng nasabing postponement ay dapat lang dalhin doon sa Fukushima!
Pero noong isang araw, matapos makipag-usap kay P-Noy sa Malakanyang, agad bumaliktad ang paniniwala nitong magaling na senadora.
Dumepensa na siya at bumoto pabor sa postponement ng ARMM election!
He-he-he! Hindi raw kasali sa napag-usapan nila ni PNoy ang tungkol sa ARMM elections. Siguro, parekoy, ang napag-usapan lang nila ay ang pagkuha niya kay P-Noy bilang “bestman” sa kanilang wedding anniversary!
Kung napag-usapan man o hindi, kung may pabor man na kapalit o wala, hindi ko masisisi, parekoy, ang aking “tawiwit” na mag-isip.
Kasi may isip! He-he-he!
Unsolicited advice lang sa matapang na senadora, kung may isyu na medyo hindi pa pala niya napag-aaralang mabuti ay hindi muna siya dapat magdadaldal.
Hindi lang sa baka mawalan na ng kredibilidad ang mga susunod pa niyang sasabihin.
Ang ikinatatakot ko, parekoy, baka i-finance ni Mommy Dionisia ang pagpapahatid kay Miriam doon sa Fukushima, Japan.
Nakakasira pa naman daw ng ulo ang radiation doon!
INAANYAYAHAN ko po kayo na makinig sa aking radio program na ALARMA KINSE TRENTA, Lunes-Biyernes, 6-7 am sa DZME o kaya ay mag-log-on sa www.dzme1530.com o mag-e-mail sa [email protected] o mag-text sa 09152121303.
Target
ni June Briones
[email protected]
09152121303