Bundok ng Golgota

NAGHINAGPIS ANG MGA desipulo ng Panginoon noong nakita nilang pinatay siya at inilibing.

Paano nga naman, ibinuhos na nila ang lahat ng pananampalataya sa kanya,

Katunayan, ang iba sa kanila ay iniwan na lahat ang materyal na pag-aari.

Dahil lang sa pagsunod kay Kristo.

Ang Mesias.

Ang noon pa ay pinakaaasam na nila na tagapagligtas.

Pagkatapos ganito lang ang mangyayari…

Na para bang mauuwi lang sa wala ang lahat ng kanilang paghihirap at pananampa-lataya?

Sabagay, sa napakaraming pagkakataon ay nagpakita muna siya ng himala, bago pinatay sa bundok ng Golgota!

Ibig nga bang sabihin, noong nakaraang araw (Biyernes Santo) ay naging higit na makapangyarihan ang mga pagsubok sa bundok ng Golgota kesa Panginoon?

Tsk, tsk, tsk.

Kahapon, Araw ng Pagkabuhay ay muling napawi ang kanilang lungkot.

Sapagkat madaling araw pa lamang ay muling nagpakita na sa kanyang mga alagad ang ating Panginoon.

Ang muli niyang pagkabuhay, parekoy, ay may dalang pag-asa…

Doon sa mga sumasampalataya sa kanya.

Ngunit kalituhan at takot ang dulot sa kanyang mga kaaway.

Dahil nagkamali sila ng kukondenahin!

NOON PA, PAREKOY, ay naghahangad na tayo ng Mesias o tagapagligtas mula sa masalimuot na kinalalagyan sa ilalim ng pamamahala ni Jezzebel.

Biglaan, mula sa kawalan, may sumisigaw ng daang matuwid!

Na magpapalaya sa mahihirap sa pamamagitan ng pagbura sa mga kurap!

Ngunit hindi pa sumisikat ay laos na!

Sa survey, noon pang nakaraang buwan ay inihatid na si P-Noy sa bundok ng Kalbaryo.

Tanggapin din natin na nagtapos sa bundok ng Golgota ang matuwid daw na daan!

At kamangmangan kung aasa pa, o kaya ay paaasahin ang mamamayan na magkakaroon ng muling pagkabuhay.

Si Hesukristo lang ang nabuhay na mag-uli.

At wala ng iba pa!

To God be the glory!!!

Target
ni June Briones
[email protected]
09152121303

Previous articleHuling Habilin… Huling Habulan
Next articleActress na wala nang karisma, binarat ang taxi driver!

No posts to display