PANSIN LANG ng mga reporters na invited sa Viva Vision 2020 last night na isinagawa sa Novotel Araneta na wala si Nadine Lustre. Epekto daw ito sa pagmamaktol ng aktres na kahit gustuhin man niya kumalas sa kanyang mother studio, ang Viva Films ay hindi siya makakaalis dahil under contract siya.
In short, a contract is a contract na dapat tuparin at tapusin.
Kaya nga ng lumabas ang press statement ng kampo ng aktres na she is no longer handled and managed by Viva, sinagot ito ng Viva Artists Agency, na under contract pa siya ng kumpanya.
She is still managed by Viva na lahat ng mga bookings, performances, guestings ay dapat dumaan with approval mula sa kumpanya.
Timing lang na sa ginanap na Viva event, present si Boss Vic del Rosario para sagutin ng diretsahan ang isyu.
As a film company ay may offer ang Viva sa kanya tulad ng Miracle in Cell No. 7 na originally, ang role ni Bela Padilla sa pelikula ay dapat sa kanya na tinanggihan niya.
Sabi ni Boss Vic: “May seven movies pa siyang kontrata. Yung Miracle in Cell No. 7, tinanggihan niya, so napalitan siya ni Bela.”
At tungkol sa kontrata naman ng aktres, Nadine is an exclusive artist of Viva.
Paliwanag pa ni Boss Vic: “Sa kontrata niya, puwede siyang mag-no dahil yung kontrata namin, puwedeng mag-reject ang artista pag hindi nila type. Pero yung bawal lang, bawal lumabas sa iba.”
Dahil sa pagmamaktol ni Nadine, kabilang na rin kaya siya sa “Frozen Beauty” dahil sa pagka-brat niya. Sayang lang.