PABIRO ANG AKING tanong. ‘Di ka napagod kagabi? Ikot ka kasi nang ikot sa aking
isip. Agad niyang nasakyan ibig kong sabihin. Napatawa. Umismid at ngumiti.
Sa loob ng isang Greenhills restoran ng umagang ‘yon, mahigit din kaming kalahating oras nag-usap. Samut-samot. Halo- halo. Trabaho sa office. Kanya at aking nakaraan. Hanggang sa dapat na siyang magpaalam.
Pinagmasdan ko siyang papalayo. Maliliit at mahihinang yapak. Hanggang lumaho sa aking pananaw.
Ewan kung bakit tuwina sumasagi ang ala-ala ng umagang ‘yon. Hinahanap ko ang aliw at ‘di maipaliwang na kaligayahan sa mga segundo at minuto ng aming maikling pag-uusap. Hinahanap.
Sa 68-anyos kong edad, bakit pa may puwang ang ganitong damdamin? Mahalimuyak. Mapusok. Mapag-hanap. Ngunit malungkot sapagkat kabaliwan.
Ay, buntong-hininga.
BAGONG MANILA ARCHBISHOP Luis Antonio Tagle ay ibang uri ng alagad ng Diyos. Nalathala kamakailan nu’ng siya ay bishop ng Imus, Cavite, tinahak niyang paglilingkod ay mistulang ehemplo ng pagpapakumbaba, napa-kasimpleng pamumuhay at nag-aalab na pagmamahal at paglilingkod sa Diyos at kapwa. Sa kanyang lingguhang pagbisita sa kanyang mga parokya, jeepney at bus lang ang sinasakyan. At madalas sa kanyang tirahan, madalas kasalo sa pagkain ang mga pulubi at mahihirap.
Sa edad na 54, si Arch. Tagle ang isa sa pinakabatang lider ng simbahan sa buong mundo. Nu’ng 1997, naitalaga siyang kasapi ng International Theological Commission. Naglingkod din sa loob ng 15 taon sa editorial board ng “History of Vatican” project.
Bilang isang rising lider ng simbahan, may pasubali na maging contender siya sa papacy.
Mahal ng ordinaryong tao si Arch. Tagle dahil sa kasimplehan ng pamumuhay at pag-uugali. May Sunday TV program siya sa Channel 5 na may milyun-milyong viewers. Sa paghirang sa kanya, makaaasa na maraming reporma at pagbabago sa archdiocese ng Kamaynilaan. Kailangan maibalik ng kanyang liderato ang init at apoy ng mananampalataya sa paglilingkod kay Kristo at kapwa tao. Mabuhay, Arch. Tagle!
“NO OTHER WOMAN” ay tumatabo sa takilya. Sa loob ng tatlong linggo, kumita ang pelikula nina Cristine Reyes at Anne Curtis ng mahigit na 260 million. Walang kaduda-dudang si Cristine Reyes ang hottest screen personality ngayon. Kaiba ang ganda at pagka-sexy niya. Hanep ang animal appeal. Super din kung umarte.
“Sa Ngalang ng Ina”, teleserye ni Nora Aunor sa 5 ay kalugod-lugod panoorin. Super ang pag-arte ni Ate Guy bilang isang reformist governor. May malalim na social message at relevance ang teleserye. Pabilis na pabilis ang paghabol sa top rating ng 5. ‘Di maglalaon, overtaken ang 2 at 7. Talagang ginagastusan ni MVP ang channel.
“Will Time Bigtime” ni Willie Revillame ay nagdiwang ng unang anibersaryo noong Oktubre 23. Umabot ng 5 oras ang show. Milyun-milyong piso ang pina-raffle. ‘Di maipagkakaila number 1 muli ang programa. Sumusunod ang “Eat Bulaga”. Congrats, Willie!
Bagsak sa rating ang teleserye ng 7. Sawa na manonood sa mga datus, prinsesa, dwende at kababalaghan. Dapat magbago ng istorya at format. Subalit nag-number 1 pa rin over all ang 2. Ang Radyo Patrol pa rin namamayagpag sa public information segment, malayo ang 5.
Panalangin at madaling gumaling si Jolo Revilla. Talentado at napakabait na anak ng dalawang sikat na mambabatas at screen idols Bong at Lani Revilla. Matagal akong naglingkod bilang spokesman sa lolo ni Jolo, dating senador at actor Ramon Revilla Sr., napakabait at makataong nilikha.
Lahat na lang pinasok ni Manny Pacquiao. Sa 7 may lingguhang entertainment show na namamahagi ng daang libo. Ngunit ‘di kuwela ang pag-host ni Manny. Patay at walang init ang show, sayang lang.
Napabalitang bumili ng Ferrari sport car na nagkakahalaga ng 10 milyon piso. Talagang left and right ang pagpapasarap ng champ. ‘Di tayo nakikialam sa kanyang salaping ginagastos, subalit tila bad taste ang balita sa gitna ng paghihirap ng milyun-milyong Pilipino. Manny, magbahagi ka naman ng biyaya sa mahihirap. ‘Pag minsan labis na suwerte ay nakakatakot din.
Kagaya ng mga nakalipas na taon, bokya muli ang harvest ng lansones sa Laguna. Dahil ito sa malimit na pagbagyo dulot ng climate change. ‘Pag tamis ng lansones ang pag uusapan, wala nang tatamis pa sa lansones ng San Pablo. Subalit patay na ang industriya, nakakalungkot.
Quote of the Week
Good eyes and good heart
The story is told about a tourist guide who, to get the attention of a group of tourists in the bus announced, “Ladies and Gentlemen, if you look to the right you’ll see the Holy City Jerusalem. And if you look to your left you will see nothing to your right”.
PITIK-BULAG
By Ike C. Gutierrez