Sa isang showbiz wake o burol, ang ala-una ng madaling-araw on any day ay karaniwang maluwag para sa mga bumisita at nagluluksa ring taga-showbiz.
Sa pagitan kasi ng oras na ito hanggang papasikat na ang araw unti-unting dumarating ang karamihang artista, na kung hindi galing sa magdamagang shooting o taping o gimikan, mas convenient ito para hindi makipagsiksikan sa mga laksa-laksang mourner who troop to the chapel on ordinary hours.
Pero hindi ito ang nasaksihan ng TV host-writer na si Butch Francisco nang dalawin ang mga labi ni Direk Wenn Deramas sa Arlington Chapels (bago ito inihimlay kahapon). “Imagine, 1 o’clock in the morning, pero kokonti lang ang naroon? Ang naabutan ko, eh, siyempre, ang punong-abala na si Michael Riggs,” ani Butch patungkol sa nakagawian na niyang itawag kay Eagle Riggs.
Earlier pala ay dumagsa na ang mga tao sa burol. “And guess who else I saw? Si Vice Ganda. Bati ko sa kanya, ‘Uy, finally, we met (in person)! Ang sagot niya, ‘Unfortunately, dito pa.’”
Ani Tito Butch, he made it a point to pay his last respects sa isang taong he was genuinely happy for. Nakasama kasi niya si Wenn noong host pa siya (at sila ng kaibigang Cristy Fermin) ng Showbiz Lingo. Wenn was its continuity writer.
But little did the public know about Wenn’s humble beginnings bago napadpad sa mundo ng telebisyon. Kuwento ni Tito Butch, “Wenn graduated hotel & restaurant management from UST. Taga-UST nga rin ako, but I didn’t know na may ganu’n na palang course that time. Then nag-work siya as waiter sa Aristocrat.”
Wenn’s first ever TV show raw was ABS-CBN’s Tatak Pilipino hosted by Jim Paredes and Gel Santos. “But Wenn would have what? Seven shows, sabay-sabay! Ganu’n siya kasipag! Kaya nga du’n sa wake, I was surrounded by his friends, and one of them remarked, ‘Eh, kasi naman, paanong hindi rin siya aatakehin, hindi niya alam ang ibig sabihin ng salitang ‘pahinga’?”
Fast forward. Umalis na si Tito Butch Francisco sa ABS-CBN, left for the US at nang magbalik ay napunta siya sa GMA where he replaced Boy Abunda in Startalk.
Sa loob ng mga panahong ‘yon—nakasilong man sa kabilang tahanan—Wenn’s eventual success did not escape Tito Butch. “Kaya ganu’n na lang ako kasaya para sa kanya for all his achievements,” sabi ng nakatrabaho ng nasirang blockbuster film director.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III