Buwayang kati

PINAGTATALUNAN PA HANGANG ngayon, kung saan mamamahay si Lolong, isang dambuhalang buwaya na nahuli kamakailan sa Agusan Del Sur. Mga animal at environmentalists groups ay nagpupumilit na ibalik si Lolong sa swamps na kanyang natural habitat. ‘Di sang-ayon ang mga mamamayan ng lalawigan. Gusto nilang kapiling si Lolong bilang isang tourist attraction. Patuloy pa ang pagtatalo.

‘Pag napag-usapan si Lolong, ‘di ko maiwasang isipin ang isang mabigat at tila walang kalunasang problema ng bayan. Ayon sa huling ulat, ang Pilipinas ay isa sa mga nangungunang corrupt na bansa sa buong mundo. Halos 70% ng taxpayers money ay nakukurakot ng problema. ‘Di na ito palaisipan pa. Talamak ang corruption sa halos lahat ng sangay ng pamahalaan. Ang dati-rati’y malinis na transaksyon, halimbawa, sa level ng barangay ay ganid na ngayon sa lagayan. Pinakamahirap na mag-transaksyon sa gobyerno kung wala kang pang-langis o padulas. Pati judiciary ay napinsala na rin. Amining korapsyon ang ating pangunahing industriya. Kung mababawasan kahit 20% ang bulto ng korapsyon, marahil matagal nang nakaangat tayo. Papaano? Mapakabuti, itanong kay Lolong.

SA BATANG-BATANG EDAD na 56, sumakabilang buhay si Steve Jobs, inventor ng Apple Microsoft, isang teknolohiya na nagpabago ng takbo at ikot ng mundo. Bumaha ng pagtangis sa kanyang pagpanaw. Ipinagbunyi siyang isang global genius at hero. Dapat lang. Kung hindi dahil kay Steve, ‘di ganito ka-fast at efficient ang system ng global communication. Halimbawa ang cellphone. Ito ang itinuturing na miracle gadget ng ating siglo. Sa buong mundo, isa na ang ating bansa sa mga milyun-milyong users ng gadget. Matanda, bata, mahirap at mayaman, hawak cellphones. Kahit saan ka dumako, halos lahat ay abala sa texting. Godspeed, Steve!

SAMUT-SAMOT

KAHAPON NG MADALING-ARAW, napukaw ang aking pagtulog ng isang Christmas carol sa transistor ng isa kong gising nang kapit-bahay. White Christmas ni Bing Crosby. Dagli akong bumalikwas at nakinig. Dumapo maraming alaala ng maraming nakaraang Pasko. Lumutang ang mapagmahal na mukha  ng aking namayapang butihing ama at ina. Halos may luha kong naalaala na sa ganitong buwan kumpleto na ang gagamiting Pamaskong damit at sapatos naming magkakapatid. At sa umaga ng kapaskuhan tulad kami ng sa hari at reyna na kanilang binibihisan. Tuloy muna sa simbahan. Pagdalaw sa mga kamag anak at kaibigan. At isang napakasayang salo-salo sa gabi. Sarap namnamin ang nakalipas.

SA SUSUNOD NA Enero ang init ng 2013 elections ay aarangkada na. Parang kahapon lang ang 2010 elections. Magdadalawang taon na si P-Noy. Usad-pagong pa ang bayan. Walang makitang malinaw na direksyon, walang liderato. May maaasahan pa ba tayo sa kanyang kakayahan?

NAKAKAPANGHILAKBOT ANG BROAD daylight killing ng isang DSWD official sa Makati kamakailan. Nasaan ang kapulisan? Wala na yatang ligtas na lugar sa Kamaynilaan. Araw-gabi may inaambush, may bangko at commercial establishments na ninakawan, may mga biktima ng rape at kidnapping. Nasaan ang anti-crime czar ni P-Noy? ‘Di na nakakatuwa ang sitwasyon. Sa mga lalawigan patuloy ang pananalakay ng mga NPAs sa mga military camps. Sa gitnang Mindanao patuloy pa rin ang digmaan at paglikas ng civilians. It seems nobody is in control. Tumataginting pa sa tenga ko ang election promises ni Pangulo: “We will establish peace and order; we will seek lasting peace in Mindanao”.

PABABA NANG PABABA ang kalidad ng TV entertainment programs sa tatlong major channels. Puro kabaklaan; puro tsismis, kamalayan at intriga. At ‘pag nag-switch ka sa teleserye, puro sigawan, murahan at awayan. Anong value formation sa manonood ang dulot ng mga ito? Wala na bang p’wedeng makialam upang mabago format ng mga programa?

KAPURI-PURI SI ANGEL Locsin. Sa kasagsagan ng typhoon Pedring, nag-volunteer worker siya sa relief at rescue operations ng Red Cross. Hinahanap ng marami si Kris Aquino at iba pang kilalang personalidad sa industriya kasama na sa kanila si Boy Abunda. Bakit ang sobrang pinagpalang nilalang na mga ito ay tikom ang palad sa pagtulong?

Quote of the week

Not just money

There is a story about a priest who, talking in a loud voice about heaven in his homily, said: “We bring nothing with us when we die. There is no money in heaven. People in heaven have no money.”

The whole congregation was quiet, till a little girl whispered to her mother loud enough for all to hear: “Mama, Mama were in heaven already”.

 

A moment with Lord

Lord, remind me that life is not just about money, money, money. Amen.

PITIK-BULAG
By Ike C. Gutierrez

Previous articleBanat sa mga bading at Pasay, Sin City na naman
Next articleKarapatan ng anak sa sustento

No posts to display