NGAYONG March 27, Sabado, ay mapapanood na ang inaabangang digital concert ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo titled Tala The Film Concert na kinunan sa Araneta Coliseum. This is Sarah G’s 18th anniversary concert.
Mapapanood ito worldwide sa pamamagitan ng Ktx.PH streaming platform with tickets priced at P1,500 for regular and P3,000 for VVIP.
Ang digital concert ni Sarah ay inspired ng kanyang hit song na Tala na kasama sa 2015 album na The Great Unknown na sumikat nang husto noong 2019 dahil sa Tala Dance Challenge sa social media. Mayroon nang more than 170 million views ang Tala sa YouTube.
Ani Sarah, “This show is dedicated po talaga especially sa mga tumangkilik sa song na Tala,” lahad ni Sarah. “So, for this particular song we found away kung paano po ito maipaparamdam sa kanila na parang magkakasama talaga kami sa venue. So, abangan po ninyo,” dagdag niya.
May buwis-buhay na stunt din si Sarah G sa kanyang concert na dapat din daw abangan.
“Yung stunt na yon ay ginawa ko for the song Ikot-ikot, so literally may pag ikot-ikot po akong ginawa dito. Abangan po ninyo kung paano namin siya ginawa nakaka-amaze…nakaka-amaze. Hahaha! Ako, na-amaze ako, eh,” natutuwag kuwento ng singer-actress.
“Gaano siya kahirap? Parang medyo buwis-buhay po siya. Pero kinaya naman po dahil guided po ako ni Teacher Georcelle (choreographer niya) at mga tao sa set. So, kinaya naman,” masayang pahayag ni Sarah.
Kinumpirma rin ng director ng Tala The Film Concert na si Paul Basinillo ang tungkol sa buwis-buhay stunt na gagawin ni Sarah G.
Lahad ng concert director, “Oo, meron siyang ginawang kakaiba dito. I don’t want to preempt kasi gusto namin makita ito ng audience first time.”
Dagdag pa ng director, pinaghandaan daw ito ni Sarah at ng kanilang technical team.
“Basically, pinaghandaan niya mabuti ito. Kami din mismo sa technical team, yung paggawa ng set na yon para lang specifically for her. Alam naman natin na hindi lagi-laging nag-i-stunt si Sarah. Actually, never sa mga concert niya.
“Hindi namin siya na-harness, hindi namin siya sinabit, hindi namin siya nilagay sa tugatog. Kumbaga, ano lang hangin lang, ganyan, tatayo sa dulo. Pero basically ito kakaiba ito. I think, one of the first time na gumawa siya ng stunt talaga na may danger,” kuwento ng director.
Ibinahagi rin ng asawa ni Matteo Guidicelli na hanggang ngayon ay nai-intimidate pa rin siya sa pakikipagtrabaho sa G-Force.
“Working with G-Force, talagang it has always been intimidating kasi napakagagaling nila. They’re also very inspiring, especially Teacher Georcelle. Actually, bawat member ng G-Force, they always encourage me at tsaka push me to be better every time,” pahayag pa ni Sarah.