VERY HONEST na tinuran ng magaling na singer/actor from ABS-CBN na si Bryan Termulo na nahe-hurt siya sa mga taong nagsasabing laos na siya, dahil na rin sa paglalamlam ng kanyang career. Pero iniisip na lang daw nito ang magagandang bagay na naidulot sa kanya ng kanyang pagiging singer/actor.
Kuwento nga nito, “Aminin na natin na self-realization naman na minsan kapag nakakarinig ka ng ganoon mula sa ibang tao, although dinaan sa joke, masasaktan ka rin. Tao ka lang naman, ‘di ba? Nasasaktan din kapag may naririnig na hindi magandang komento sa ‘yo.
“Hindi puwedeng hindi, kasi kaplastikan na ‘yun. ‘Di ka naman robot o materyal na bagay na walang buhay at walang pakiramdam. Katulad din ‘yan ng ibang mga mas sikat pang mga artista na kapag sinabihan ng laos, nagagalit at nagdadamdam talaga, ako pa kaya.
“It will hurt your ego talaga! Hindi naman ang hindi mahe-hurt ‘pag nakarinig ka ng ganoon. Iniisip ko na lang yung mga bagay na na-achieve ko sa aking career financially and socially. Dahil kahit sabihan n’yo man akong L-A-O-S, meron akong mga bagay na napundar, like bahay na apat ‘yung bedrooms, condo na rin, sasakyan, may savings, stocks, life insurance, at konting properties like lupa, at next in line ‘yung business.
“‘Yun na lang ang iniisip ko para hindi ako maapektuhan sa mga taong nambubuwisit. Hahaha! ‘Yun na lang ang titingnan ko para hindi ma-depress o ma-hurt sa sinasabi nilang laos na ako. Dahil para sa akin, panalo naman ako in terms of naipon at naipundar,” pagtatapos ni Bryan.
PLAY 2D BEAT: Pagsasama-sama ng mahuhusay na dance groups at KPop cosplayers
MAGAGANAP SA Oct. 31, 2014 (Friday), 5-9pm, ang bonggang-bonggang show ng Playhouse Production entitled “PLAY 2D BEAT” na magaganap sa CAP Auditorium, Makati City (Open Dance Competition at KPOP Cosplay). Hosted by Miko Geslani at Kristine Bauto.
Ayon nga sa CEO/Owner ng Playhouse Production na si Ms. Mitch, “Isa itong malaking event kung saan mapapanood ang mahuhusay na dancers sa bansa at mga KPOP cosplayers.
“Layunin ng Playhouse Production ang dumiskubre ng mga talentong may hilig umawit at sumayaw at bibigyan namin ang mga ito ng pagkakataong mailabas ang kanilang talento sa mga proyekto ng Playhouse.”
Magsisilbing espesyal na panauhin sa PLAY 2D BEAT ang Shiners, Zenly Diansuy, ang voice coach ng UPGRADE, Bebe Riz at Boulevard Tisoy. Mabibili ang ticket sa halagang P100. Para sa iba pang inpormasyon, tumawag lamang sa 09155473743 o mag-email ng katanungan sa [email protected]
John’s Point
by John Fontanilla