PINAGTIYAP KAYA NA matapos ang SONA ni Pangulong Noynoy, kinabukasan ang bansa ay hinambalos ng sunud-sunod na kalamidad? Kung ‘di, mali ang forecast ni Madam Auring.
Hulyo 26 – 4:15 A.M. – 5.9 intensity earthquake sa Metro-Manila; 6:15 A.M. – typhoon Juaning, hataw sa Kamaynilaan at Bicolandia; 10:00 A.M. – Dimple Star Bus, nahulog sa Skyway; 11:30 A.M. – pinahayag ang cervical spine operasyon ni dating Pangulong GMA; 1:30 P.M. – 8-car collision sa EDSA-Ayala underpass; at 6:45 PM – PAGASA, tinarayan ni Albay Gov. Joey Salceda dahil sa maling forecast.
A record five major calamities in one day! When it rains, it really pours.
O kayo, si Pangulong Noynoy ang dapat sisisihin? ‘Nong kinalaman ng SONA sa mga nangyari. Force majeur ‘yan.
Totoo, well-delivered ang one-hour SONA. Superb diction at audience projection, super coaching ni Ma’am Maria Montelibano.
Sa SONA, ‘sang ahensiya lang ang diretsong napuri. PAGASA. Pangita hanggang ngayon, kumukulo pa ang dugo ng Pangulo sa kanyang sinibak na dating puno ng ahensiya. ‘Sang kaawa-awang career official, namamahay sa squatter’s area. Niño bonito niya ngayon, ipinalit n’yang PAGASA head. ‘Ala raw sablay sa forecasts. Sure ball. ‘Alang palpak.
Subalit ‘di pa tapos 24-oras, pinasinungalingan ni Albay Gov. Joey Salceda ang Pangulo. Nilatigo niya sa media ang kapalpakan ni Usec. Yumol. Mali raw ang forecast sa Albay, kaya ang mga tao, caught flatfooted.
Ay naku, buhay Pinoy. Sisihan blues na naman.
Salbaheng apo kanina pa bumubulong: “’Lo, ‘di ba Pangulong Noynoy calamity din?”
GANDA BA SI Vice Ganda? Ewan ko, ‘ala naman siyang ginagawa sa akin. Misis at dalawa kong apo, paborito siya.
Swear, ‘di ko alam kung bakit alibadbad ako sa kanya. Gaya ng pagkaasar at alibadbad sa isa pang corny comedian: Pokwang.
Hilig mag-alipusta ng guests. Weird humor, out of tune. ‘Alang originality. In other words, trying very hard to impress.
Isa pa, marahil ‘di siya minahal nu’ng bata pa ng mommy at daddy. Salat sa pansin. Laging nagpapapansin.
Matutulad sa bulalakaw sa sining. Biglang kislap ng ningning. Pagkatapos biglang bulusok at biglang mawawala.
SA ESPIRITU NG pusong Kristiyano, tigilan na ang hambalos ng batikos sa dating Pangulo GMA na nakabingit sa kamatayan. Ipanalangin ang kanyang speedy recovery. Itakwil ang paglilinis-li-nisan. At the end of the day, Diyos lang ang makapaghuhusga sa kanyang nilalang. Lahat tayo’y may dugo ng unang nagkasalang Adan at Eba.
Quips of the Week
Tanong: “Bakit ang uwak ay puti?”
Sagot: “Dahil ‘di ito itim.”
Tanong: “Anong pangalan ng ophthalmologist mo?”
Sagot: “Dr. See.”
PITIK-BULAG
By Ike C. Gutierrez