TOTOO kaya ito? Organisado talaga ang kampanya? Akala ko papetiks-petiks lang.
May boycott campaign against Sharon Cuneta ang mga anti-Duterte followers na pinagkakaisahan ngayon na huwag tangkilikin ang bagong pelikula ni Megastar na Kuwaresma dahil sa pagiging pro-Duterte ng aktres?
Last week while surfing the net sa social media accounts ko, naka-tatlong postings sa FB ang napansin ko sa main wall ko ang naturang kampanya ng mga anti-Duterte.
Si Sharon kasi, open supporter ni Digong. Bestfriend sila ng anak ng president na si Sara na isa sa mga pinagngingit din ng mga may ayaw sa presidente.
May tatlong linggo pa (May 15) bago ipalabas ang pelikula kung saan first horror movie ito ng aktres with Direk Erik Matti para sa Reality Entertainment.
Sa mga hindi pa nakakabatid, ang mister ni Mega na si dating Sen. Kiko Pangilinan ay isang anti-Duterte political personality na taliwas naman sa personal na gusto ng aktres na all-out sa kanyang pagiging kakampi sa Presidente.
Will the boycott be successful tulad ng mga naunang boycott campaign noon sa mga artistang maka-Duterte?
Pagkakasulat ng isang netizen: “She Never learns.”
Dati na rin may boycott campaign against Sharon sa pelikula niya with Richard Gomez kasama si Kathryn Bernardo.
Nag-DM kami sa Instagram account ng aktres para kunin ang kanyang sagot sa boycott isyu. Habang isinusulat namin ito, no words or reply from Shawie.
Reyted K
By RK Villacorta