NAPANOOD KO ang pelikulang ‘Tayo sa Huling Buwan ng Taon’ ni Nestor Abrogena noong nakaraang Biyernes. Ito bale ang sequel ng pelikulang ‘Ang Kuwento Nating Dalawa’ na ipinalabas five years ago na pinagbidahan nina Nicco Manalo at Emmanuelle Vera. Relatable sa mga college students ang unang pelikula at may mga avid followers na rin ang kuwento ng dalawang magnobyo na kinailangang maghiwalay ng landas. Nagkaroon din ng regular run sa mga sinehan ang AKND, ngunit mas sumikat ito sa moviegoers nang maging available ito sa isang streaming site.
Fast forward to 2019, may kani-kaniyang buhay na sina Sam (Nicco Manalo) at Isa (Emmanuelle Vera). This time, makikilala natin ang mga bago nilang romantic partners: sina Frank (Alex Medina) at Anna (Anna Luna).
Habang pinapanood ko ang apat na bidang artista sa pelikula ay nakitaan ko ng improvement si ‘Vera’. Napakalakas ng kanyang onscreen presence na naitanong ko tuloy kung bakit hindi pa siya superstar ngayon?
Kapansin-pansin na from Emmanuelle Vera ay simply ‘Vera’ na lamang ang nasa credits at poster ng pelikula.
Huling napanood si Vera sa afternoon series na ‘The Stepsisters’ (Katrina Halili and Megan Young). Sa pamamagitan ng e-mail ay tinanong ko ang dalaga kung ano ang kuwento sa likod ng kanyang pagpapalit ng screen name?
“My manager, Perry Lansigan, was behind the name change. It was just a matter of preference—he found Emmanuelle to be too long and androgynous, and Vera to be sexy, feminine and memorable. So he renamed me.” sagot niya.
Sa ngayon ay dumarami na rin ang positive feedback sa Tayo sa Huling Buwan ng Taon. Maliban sa mas gumanda ang istorya nito compared to the first film, nakakainlab at nakakaiyak din ang OST ng pelikula. Makakarelate ang mga sobrang idealistic at matiisin sa relationships at mapapabilib ka rin sa cinematography ng pelikula.
So, what’s next after Tayo sa Huling Buwan ng Taon for Vera?
“What’s next after TSHBNT is a mystery to me! I’m currently shooting a digital film with iWant TV and trying to write new music to release, but aside from that, there aren’t any massive plans as of the moment. It may sound cliche, but I’m just trying to ride the waves and make the most of every moment. However I’m definitely trying to veer toward music and films, as I find I’m at my best (and happiest!) when I’m able to work with unbridled creativity.”
Sa tingin ko, marami ang nakapansin muli kay Vera pagkatapos mapanood ang pelikula. She’s definitely one of the talented artists that we have in the Philippines today. Sana ay magtuloy-tuloy ang pag-ariba ng kanyang showbiz and music career.
Palabas pa rin ang ‘Tayo sa Huling Buwan ng Taon’ sa mga piling sinehan nationwide.
Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez