SINELEBREYT NI SEN. Bong Revilla ang kanyang 45th birthday kahapon at natutuwa naman siya dahil hindi nakalimot ang mga close friends niya sa showbiz at sa pulitika siyempre.
Pero ang daming activities niya ngayon sa birthday niya dahil ang dami niyang projects na ginawa, hindi lang sa Cavite kundi sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila.
Nu’ng Huwebes ay nagkaroon siya ng blood-letting activity sa Quezon City Hall na ikinatuwa naman ni Mayor Herbert Bautista at Vice Mayor Joy Belmonte.
Ang dami ngang nag-participate doon para mag-donate ng kanilang dugo.
Gusto man ni Bong na mag-donate ng dugo niya, hindi ito pinayagan ng doktor dahil galing siya sa sakit.
Si Lani ang nag-donate, kaya pinagkaguluhan doon ng media.
Bukod sa ginawa niya sa QC, meron din siyang feeding program sa Tondo kahapon ng umaga na talagang tuwang-tuwa ang mga bata dahil ang lahat sila napakain at nabigyan ng regalo.
Siyempre ang duda ng lahat, paghahanda na raw ito ni Bong sa susunod na eleksyon, kung saan tatakbo ito sa higher position.
“Matagal pa ‘yun. Wala pa sa isip ko ‘yun. Ang concern ko ngayon, public service lang talaga,” sagot nito sa tanong ng mga reporter.
Wala na siyang mahihiling pa sa kanyang kaarawan dahil nandiyan naman lahat na blessings na dumarating sa kanya at sa kanyang mga anak.
Ang isa pang ikina-excite niya ngayon ay ang bagong apo na darating sa kanya.
Masaya siya dahil baby boy raw ang susunod na baby ng anak niyang si Inah, kaya kumpleto na sila. Meron ng girl at baby boy naman ang kasunod, kaya tama na raw sana iyan para maipagpatuloy na ni Inah ang pag-aaral niya.
Nangako itong anak ni Bong na talagang tatapusin niya ang pag-aaral ng abogasiya.
Bukod sa mga projects na pinagkaabalahan ni Bong, medyo abala na rin ito sa pagtatapos ng Panday 2, kung saan si Marian Rivera at Iza Calzado ang kasama niya rito.
Excited din siya sa project na ito dahil bukod sa mga bigating artistang kasama niya rito, may mga special guests siyang mga bonggang artista.
‘Di ba nag-shoot na si Lucy Torres dito, kung saan gumanap siya bilang diwata?
Ang susunod naman na magsu-shoot ay si Lorna Tolentino na pumayag mag-guest nang libre.
Hindi siyempre matanggihan ni LT ang pakiusap ni Bong kaya kahit ilang araw raw na shooting, okay lang sa kanya kahit walang talent fee.
Mahirap na raw at baka hatakin ni Daboy ang paa niya kung magpapaba-yad pa siya. Kaya excited si Bong dahil tiyak na maganda raw ang kinalabasan ng kanyang pelikula na lalaban sa mga biga-ting entry sa nalalapit na Metro Manila Film Festival.
MARAMI ANG NAGULAT sa maagang pagkamatay ng asawa ni Camille Prats na si Anthony Linsangan sa sakit na Nasopharyngeal cancer.
Matagal nang nabalitaan itong malubhang karamdaman ng asawa ni Camille, pero ayaw itong pag-usapan ng aktres at gusto nilang para sa kanilang pamilya na lang ito.
Nakakadurog ng puso ang lumabas na interview ng Startalk kay Camille na sinabi nga nitong hindi raw niya maintindihan bakit nangyari ito sa kanya.
Napakaaga pa raw nitong pinagdaanan niya lalo na’t napakabata pa ng kanilang anak.
Ang aga pa ngang nabiyuda ni Camille kaya mahirap ito sa kanya.
Nu’ng nakaraang taon lang ang church wedding nila rito sa Pilipinas pagkatapos ni-lang magpakasal sa Amerika dalawang taon nang nakararaan.
Kumbaga, ngayon pa lang sila nagsisimula ng kanilang buhay mag-asawa tapos nangyari ito sa kanila.
Bukas na ililibing si Anthony sa isang memorial park sa Dasmariñas, Cavite.
Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis