Camille Prats, kahit mukha pa ring bagets, nanay na ang role

Camille-PratsPascientific effect ang dating sa amin ng aabangang serye sa GMA na “Wish I May” if only sa kakaibang medical condition na lumukob sa isa sa mga bida ritong si Camille Prats.

Sa takbo kasi ng kuwento, may sakit na kung tawagin ay “chimerism” si Camille Prats who plays Olivia, isang kundisyon, kung saan meron siyang dalawang set ng DNA.

Kung matatandaan, GMA made an attempt at being “medical” via Rhodora X which tackled dual or split personality. Sa “Wish I May”, sa pagkakaroon ni Olivia ng chimerism iikot ang kuwento ng kanyang masalimuot na buhay-pag-ibig sa piling ni Clark (Mark Anthony Fernandez).

Kung paanong magkukrus ang landas ng mga bagets nitong bida—one of the country’s most popular loveteams—na sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix is a matter of destiny.

Quite surprising ay ang mother role ni Camille to think that her age and civil status cannot deny na mukha pa rin siyang bagets.  Aniya, “Hindi naman ako puwedeng magpa-tweetums forever. I also need to mature in terms of roles.”

To air on January 18 after “Eat… Bulaga!”, WIM is Bianca and Miguel’s third screen team-up na nagsimula sa “Once Upon a Kiss” at nasundan ng “Ismol Family” (every Sunday).

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articlePaalam Na
Next articleAlden Richards, nilangaw ang show sa Qatar?

No posts to display