HINDI ITINATANGGI ni Camille Prats na may mga manliligaw siya ngayon. Pero wala pa raw siyang napupusuan sa mga ito.
“Hindi ko pa kasi nakikita na meron talagang sobrang linis no’ng intensiyon,” aniya. “Mga nagpapahaging. Nagpaparamdam. Meron. Pero wala pa ‘yong talagang fully na… liligawan kita, pupunta ako sa bahay n’yo, I wanna meet your parents. Wala pang gano’n. Wala pa naman. Eh, ‘di ba dapat naman gano’n kapag manliligaw?” natawang sabi pa ng aktres.
“Alam mo kasi, sa totoo lang, hindi ko na alam kung paano ba ang ligawan sa panahon na ito. Dahil ang panahon ko noon kapag nililigawan, pinupuntahan sa bahay. Meet the parents, gano’n! So ngayon, hindi ko alam kung nanliligaw na ba sila. Kung iyon na ba ‘yon.”
Ano ba ang mga kata-ngiang hinahanap niya sa lalaking sunod niyang mamahalin?
“Qualification ko, isa lang po… kailangang mahal niya ‘yong anak ko. More than anything, my priority is my son. So my son has to really be comfortable with him. Siguro do’n ko pa lang bubuksan ang sarili ko sa kanya kapag nakita ko na approved siya sa anak ko. Oo. Importante ‘yon. I mean Nathan is only five years old. But I would sense I kapag alam kong uncomfortable siya at kung gusto niyang kasama ‘yong tao, eh. So, mahalaga sa akin ‘yon.”
Paano kung ipaghalimbawang gusto ng anak ‘yong guy pero ayaw naman niya?
“Mahirap ‘yon!” natawa ulit na reaksiyon ni Camille. “Pero siyempre, bago ko naman ipakilala sa anak ko, sisiguraduhin ko naman na gusto ko rin, ‘di ba? Kasi mahirap naman na sila lang ‘yong magkasundo.”
Paano kung gustong-gusto niya, ayaw naman ng kanyang anak do’n sa guy?
“Hindi po, eh. Hindi ko siguro siya masyadong magugustuhan kung hindi komportable ang anak ko sa kanya.”
Ngayong Holy Week, ano ang plano nila ng kanyang pamilya?
“Actually we’re planning to spend Holy Week in Batangas. Meron kaming place do’n. So, we’re spending it with family. ‘Yon lang. Usually nama kasi, we don’t have time to go out of the country. Or medyo mas malayong lugar. Kasi nga ‘yong oras natin ng bakasyon limited lang din ‘yong araw because of work. So, meron kaming get away sa Batangas. And this is the first time we’re spending Holy Week din together. Kaya excited din kaming lahat.”
Ang kanyang anak na si Nathan, gusto naman daw ituon ang pansin sa basketball nga-yong summer vacation. In-enroll din daw niya ito sa Math and Reading program sa Divine Angels Montessori, ang school na pag-aari ng kanyang pamilya.
“Ang dami ko rin kasing summer programs with our school. I’m also teaching Little Chef. Meron akong cooking class na ihu-hold every Saturday sa April after Holy Week. So, busy-busy-han talaga ang peg ko ngayong summer. Kaming dalawa ng anak kong si Nathan. Ang excited ako, kasi first time naming magki-cater ng cooking sa summer programs ng school namin. So looking forward talaga ako do’n. This are for pre-schoolers and kids, kahit graders around until ten years old. Happy naman ako na bukod sa taping ng Bukod Kang Pinagpala ay may iba pa akong pinagkakaabalahan,” panghuling nasabi ni Camille.
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan