Dahil first day of showing ng pelikulang “Camp Sawi” ng Viva Films last Wednesday, hindi ako nanghinayang na unahin ko munang panoorin ang pelikula ni Direk Irene Villamor ng “Relaks, It’s Just Pag-ibig” na nagustuhan ko dahil napakanatural lumabas ang kuwento na kanyang hinabi, na lumutang ang talent ng mga baguhang sina Iñigo Pascual, Sofia Andres, at Julian Estrada. Sa “Camp Sawi” naman, halos silang lahat, magaling.
‘Di ko alam na may hugot pala sa pag-arte si Bela Padilla na nagustuhan ko. Sayang lang at hindi ko napanood ‘yong Cinemalaya film niya na ayon sa kuwento ng isang kaibigang film reviewer na hindi showbiz ay magaling ito sa pelikula.
Si Arci Muñoz, pinahanga ako sa pag-arte niyang kaswal na sa simula ng showbiz career niya ay nagustuhan ko na siya sa pelikula nila ni Gerald Anderson noon.
As expected, si Andi Eigenmann, magaling bilang the other woman ni Tonton Gutierrez. Si Kim Molina naman dahil bihasa sa pag-arte sa entablado, no doubt na lumutang sa karakter niya na baliw-baliwan sa pelikula. Isang revelation sa akin si Yassi Pressman na very bubbly ang pagganap.
Interesting ‘yong chubby girl na hindi ko nakuha ang pangalan sa closing credits na suporta sa pelikula. Magaling siya. Habang si Cholo Barretto was good sa role niya as beki na isa sa mga panauhin ng “Camp Sawi”. Emote naman niya sa kuwento ang tungkol sa boyfriend niya.
Halo-halong mga kuwento tungkol sa pag-ibig. Kanya-kanyang emote sa break-ups nila. Kanya-kanyang pamamalaalam sa nakaraang pag-ibig na nagbigay pasakit sa kanilang mga puso.
Tama na pinanood ko ang pelikula sa unang araw pa lang. Congrats sa Viva Films at N2 for the film na napangiti ako, tumawa at higit sa lahat ay nakapagbalik-alaala sa “love lives” ko na masarap pala talaga ang feeling kapag nakatawid ka na. Watch na ng “Camp Sawi”. The film is better than a Big Mac, large fries and a soda float kahit samahan mo pa ng apple pie.
Yes, cutie as ever si Sam Milby sa pelikula as the chef, owner, and camp master of Camp Sawi. Hunk na hunk pa rin siya.
Huwag n’yo nang palagpasin at baka makaligtaan n’yo ang pelikulang “Camp Sawi” sa mga recommendable movies for the 3rd quarter of 2016. Gorabelles na!
Reyted K
By RK VillaCorta