KAHIMA-HIMALA ANG EHEMPLO ng Camarines Sur. Dating lugmok sa pusali, ang lalawigan biglang pumailanglang sa atensyon ng bansa. Lumago ng 8.2% nu’ng 2009 ang ekonomiya, tinaguriang “most attractive business and investment hub in the Philippines” at nagkamit ng highest palay production growth nu’ng nakaraang taon. Higit pa rito, lalawigan ngayon ay numero unong tourist destination. Tinalo ang Boracay at Cebu.
Ano’ng sikreto? “Walang himala. Transformation ay hinubog at isinagawa ng isip at kamay ng tao. Isang lideratong may paninindigan, vision at idea-lismo. Isang lideratong binigyan ng bagong enerhiya ang mamamayan para umahon sa lusak at patunayan ang kakayahan para sa kaunlaran,” ayon kay Gov. Luis Raymund F. Villafuerte, Jr.
Si Villafuerte, 37, ay nangunguna sa umuusbong na henerasyon ng batang lingkod-bayan. Maka-risma, makamaliit. Puso, nasa tamang lugar. Paa, lapat sa lupa.
“Tuldukan ang mga dekada ng binansagang tradpols. Wakasan ang pagkakaalipin sa kanilang pagsasamantala,” diin pa ng gobernador.
Sa mga hamon at balakid, ‘di nag-iisa si Villafuerte. Nakiisa sa rebulusyunaryong pagbabago ang mga Bikolano. Nagpugay ang buong bansa.
Taas-noo ngayon sa buong mundo ang Camarines Sur.
Saan pa patungo ang lalawigan? Biglang dumilim ang mukha ni Villafuerte. Umiling at tila nag-isip ng malalim.
“May mga p’wersang ganid sa kapangyarihan. Ayaw nilang bumitaw sa dekadang pagsasamantala sa mamamayan. Kaya ngayon, kapit-patalim silang nagsama-sama. Gusto nilang hatiin ang Camarines Sur para manatili pa sa kapangyarihan. At kitilin ang nakamtang kaunlaran. Ngunit ‘di sila magtatagum-pay,” ayon pa sa gobernador.
Kakaibang lider si Villafuerte.
Trivia on CamSur
• No. 1 in the country in terms of area planted for camote.
• No. 1 in revenues among the provinces in the Bicol region.
• First LGU digital animation center in the Philippines.
• Has the highest revenue from economic enterprises, regionwide.
• First in the country, “No Collection Policy” on all DepEd Fees for all elementary and high school students in CamSur.
• Home of the 22nd Ad Congress (1st time in the Bicol region).
• Caramoan: World Class destination.
• No. 1 site for wakeboarding in the world.
• 1st in the Bicol Region Seal of Excellence Awardee.
• 1st and only Gawad-Kalinga (GK) Designer Pro-vince.
HAPLOS NG HANGIN sa umaga malamig na. Ilang tulog na lang, “ber na.” Parang gulong ng kotse ang pagragasa ng panahon. Maya-maya pa, Pasko na. Bagong Taon na. ‘Sang taon makakalipas na punung-puno ng alaala. Mapait, tamis. Mga segundo, minuto, oras ‘di na magbabalik.
Laging maghanda sa huling araw. Araw na tayong lahat ay titimbangin sa nagawa sa buhay. Isa lang ang batayan: kung tayo’y nagmahal at nagpatawad, kung tayo’y gumawa ng mabuti at sumunod sa kalooban ng Diyos.
Magmahal. Magpatawad.
PITIK-BULAG
By Ike C. Gutierrez