BILIB KAMI sa tatag at determinasyon ni Candy Pangilinan as a mother. Kahit single parent, hindi biro ang pag-aalaga at pagmamahal na ibinibigay niya sa kanyang special child na si Tintin, 11 years old. Lahat gagawin nito sa ikabubuti ng anak. Kailangan niyang magtrabaho sa laki ng gastos sa mga doctor ni Tintin, aside pa sa mga gamot na tini-take nito everyday.
Sabi nga ni Candy, masuwerte na rin si Tintin dahil naibibigay niya rito ang proper treatment na kinakailangan ng isang special child. Kawawa ‘yung ibang magulang na hirap sa buhay na may anak na may ganitong sakit, hindi normal ang kanilang behavior at pag-iisip. Wala silang kaalaman kung papaano mag-alaga ng isang special child.
“Napakahirap, pero kinakaya ko dahil mahal ko ang anak ko. Kung minsan nga tutulo na lang ang luha ko sa sakit na nararamdaman ko, physically and mentally. It’s a lot of sacrifice, iba ang character ko kapag nasa bahay. Kailangan mong mag-adjust for your son, kung ano ‘yung ginagawa sa school, ganu’n din dapat sa bahay, kailangang continuous ‘yun. Kapag nasa house ako, mahinahon akong magsalita, pormal ang pakikipag-usap ko sa anak ko, pati na rin sa mga kasama ko sa bahay,” kuwento ng magaling na comedienne.
As a person, likas kay Candy ang pagiging comedienne sa likod at labas ng showbiz. Napaka-hyper niya, punung-puno ng energy. Feeling nga namin, parang hindi ito napapagod makipag-tsikahan. Happy na rin si Candy sa kalagayan ni Tintin dahil nakapagsasalita ito compared sa ibang special child na hindi ma-express ang gusto nilang sabihin o nararamdaman. ‘Yung iba, forever na silang pipi. Kailangan daw mahaba ang iyong pasensiya dahil hindi sila normal na bata.
Ang advocacy ngayon ni Candy ay makatulong sa mga magulang na may special child. Na-experience kasi niya ang hirap at sakripisyo ng isang magulang. Kailangan nila ng guidance para maunawaan kung papaano alagaan ang isang batang may kakaibang pag-uugali. Saka na raw iri-reveal ni Ms. Candy Pangilinan ang napakagandang advocacy niya para sa mga magulang na may special child.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield