Nagkataon lang na ang moving force sa likod ng muling sumisiglang TV5 na si Mr. Manny V. Pangilinan ay kaapelyido ng komedyanteng si Candy Pangilinan. Pero ang totoo, Candy is the first cousin of former Senator Francis “Kiko” Pangilinan: ang mga tatay kasi nila ay magkapatid.
Given their genetic relationship, ibig bang sabihin ay nananalaytay rin sa dugo ni Candy ang paninilbihan? “Naku, hindi ko nga memorize ang Preamble, ‘no!” depensa agad niya.
“Pero in fairness, may mga kumukumbinsi sa akin na tumakbong Councilor sa lugar ko (Quezon City). Pero hindi talaga, eh. I don’t think I’m cut out for it dahil iba ‘pag nasa pulitika ka. You have to be all-out,” dagdag ni Candy.
As it is, masaya na raw siyang naipagpapatuloy ang kanyang chosen field, thanks to Viva Artists Agency which is supportive of her career, “Katatapos lang ng Marimar, at nasundan ito agad ng panibagong trabaho.”
Ang tinutukoy ni Candy ay ang kanyang soon-to-air series sa TV5 kung saan Viva rin ang nasa likod nito, ang Tasya Fantasya simula sa February 6. “In the story na wala naman sa original version (na ginampanan noon ni Kris Aquino), magkapatid kami ni Sweet (John Lapus) na kinilala nang mga magulang ni Tasya (played by Shy Carlos). Since pareho kaming komedyante ni Sweet, napagkasunduan namin sa mga eksena na huwag kaming maingay, hayaan na lang si Giselle Sanchez na mag-ingay.”
AS FAR as Viva is concerned, once a singing superstar comes to mind ay tila iisa lang ang peg: si Sarah Geronimo.
But while there can only be one Sarah Geronimo in the music industry, who knows na posibleng may sumunod sa mga yapak nito? This is the ultimate goal ng aabangang reality singing competition to hit Philippine TV starting February 6.
May dalawa pa kasing itinakdang open auditions para sa mga nais lumahok dito: sa January 23-24 sa SM City San Mateo, Rizal at January 30-31 sa SM City Novaliches mula ala-una ng hapon hanggang alas-nuwebe ng gabi. Open to both male and female during the registration na magbubukas nang alas-diyes ng umaga, 13 hanggang 18 taong gulang ang maaaring sumali.
Three million pesos worth of prizes in cash, real estate and a TV5/Viva management contract await the grand champion.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III