Candy Pangilinan, nag-open up tungkol sa special children; pelikulang ‘Star na si Van Damme Stallone’, dapat suportahan!

Candy Pangilinan with ‘Star na si Van Damme Stallone’ cast members Paolo Pingol, Isaac Cain Aguierre and Jadford Dilanco

SA PINAKAHULING CineFilipino Film Festival, ang pelikulang “Star na si Van Damme Stallone” ang pinaka-una kong pinanood. Si Candy Pangilinan lang ang cast member na kilala sa mainstream, pero ang topic na kino-cover nito ang dapat na pagtuunan ng pansin at kapulutan ng aral ng mga moviegoers: Raising special children and their families.

Noong una kong napanood ang trailer more than a year ago ay natuwa ako dahil sa wakas, hindi ang hirap ng pagpapalaki ng special children ang ginawang bentahe ng producers nito. Sa simpleng trailer, ipinakita ang isang batang may down syndrome na pinangalanang Van Damme Stallone na lumaki sa pagmamahal at pag-uunawa ng kanyang ina, kapatid at mga kaibigan. 

In short, he lived in an environment surrounded by love.

Bilang isang ate ng binatang may autism, kinailangan kong panoorin ang pelikula.

Sa first twenty minutes pa lang ng pelikula ay tagos na sa puso ko ang pinagdaanan ni Ermat (character played by Candy Pangilinan). Very realistic ang naging approach ng director and writer sa kung ano ba ang sumasagi sa isip minsan ng mga magulang kapag nalalaman nila na may special needs ang kanilang anak. May mga naiisip silang gawin na hindi ideal, pero later on ay pagmamahal pa rin ang mananaig.

Super relate ako sa unconditional love ng Kuya ni Van Damme Stallone sa kanyang younger brother. Hindi rin maiiwasan na minsan ay kailangan maging extra strong and patient ng mga kapatid dahil hindi madali na maatasan ka ng isang responsibilidad at a very young age.

Star na si Van Damme Stallone movie poster

Naging vocal si Candy Pangilinan sa kanyang Facebook account na wala masyadong budget ang production ng ‘Star na si Van Damme Stallone’ for promotion para sa darating na Pista ng Pelikulang Pilipino. Even if I never met her in person, I chose to send her a message via chat.

Tinanong ko siya kung ano ang naging factor para tanggapin niya ang role bilang Ermats:

“I had no hesitation to accept the role. I was excited to do it. I hope people could watch to instill awareness about these children.

“Hoping they could be fairly treated equally without prejudice so people would also be more understanding with children with disabilities and their families” sambit ng aktres.

Just today ay nag-upload ang production ng pelikula ng isang video kung saan naging open si Candy sa pagsagot ng mga katanungan tungkol sa pagpapalaki ng kanyang anak na si Quintin, na isa rin special child. Ang mga challenges at practical tips sa mga pamilya na medyo nag-aalinlangan na humingi ng tulong.

Kahit na napanood ko na ang pelikula, papanoorin ko ulit ito para makasupport sa mga producers, cast and staff. Nawa’y ang pelikulang ito ay maging instrumento sa pag-inspire sa mga families na huwag sumuko at piliin lagi ang happiness and love over anything else.

Suportahan natin ang Star na si Van Damme Stallone at ang iba pang pelikulang tampo sa Pista ng Pelikulang Pilipino simula sa August 16-22, 2017 sa cinemas nationwide!

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez

Previous articleAGAW-PANSIN: BOOBS NI ANDREA TORRES, NAGPUPUMIGLAS!
Next articleGary Estrada, aktibo muli sa pag-arte!

No posts to display