HINDI NAKALIGTAS sa hagupit ng Bagyong Glenda ang showroom ng car business ng GMA Primetime King na si Dingdong Dantes. Ang guwapong aktor ang Vice President ng WIT Auto Group and one of the owners siya, among other business partners.
First venture pa man din ito ni Dingdong sa automobile business, pero ayun at wasak lahat ng nasabing car showroom na nasa West Parañaque, na noong February 2014 lamang binuksan.
May kalakihan ang lugar, pero nawasak nga lang ito ng matinding bagyong si Glenda, mabuti na lang at naitabi ng staff ni Dong ang mga kotse, at safe ang mga ito. ‘Yung mismong establishment ang wasak, na mare-renovate din in due time.
Nasa taping si Dingdong ng Ang Dalawang Mrs Real – na kahit nga may bagyo ay tuloy ang taping – kaya sa mga ipinadalang photos na lang ng staff na lang nakita ni Dingdong ang pinsalang dinulot ng nasabing kalamidad sa kanyang car business. Pero mabilis din namang nag-resume ang business operation, na inakala ng iba na mag-i-stop operation.
Talking about Ang Dalawang Mrs. Real, may nakukuhang feedback from viewers si Dong na “out of the box” ang kanyang ginagamapanang role – hindi ‘yung mga previous roles niya na sobrang bait or walang masyadong challenge ang character.
Gone are the days indeed sa mga pa-cute roles for Dong. Inamin ng aktor na alam niyang may ilang viewers ang galit sa ginagampanan nito sa nasabing teleserye, at kampi kina Maricel Soriano at Lovi Poe, dahil mas nakare-relate o sympathize sila sa characters ng dalawang babae.
Sa isang social networking site, may nag-comment na uupakan daw niya si Dingdong dahil sa pananakit ng dalawang leading ladies niya, at meron ring isa pa na ipagtatanggol daw niya si Lovi once na makita niya si Dong in person.
Biro ni Dingdong, “Hindi na nga ako makalabas ng bahay dahil baka may bumugbog sa akin.” Pero aniya’y masaya siya sa kanyang character dahil malaki ang challenge nito sa kanyang pagiging isang aktor.
Mainit ang pagtanggap ng publiko sa serye dahil sa isyung “bigamy”, pero confident si Dingdong na realistic ang tema ng serye. “Nagpapasalamat kami dahil napapansin nila ang pinaghihirapan naming lahat.”
Mellow Thoughts
by Mell Navarro