Last day today ng Cine Filipino Film Festival. Sayang, dahil sa kakulangan namin ng oras, dalawang pelikula lang ang napanood namin.
Ang hirap kasi sa pag-swak ng schedule namin para mapanood ang mga pelikulang interesado kami tulad ng pelikula ni Cai Cortez na “Ang Taba Ko Kasi” sa direksyon ni Jason Paul Laxamana. Gusto ko rin sanang mapanood ang pelikula ni Iza Calzado na “Buhay Habang Buhay” sa direksyon ni Paolo Herras, at ang pelikula ni Alessandra de Rossi at Therese Malvar na “Sakaling Hindi Makarating”.
Kung hindi schedule ng screening ang problema ko, may gusto man akong panoorin, sold-out naman ang tickets.
Tulad ng naisulat namin earlier na hindi kami na-impress sa “Ang Tulay ng San Sebastian” na nabaliw ako sa gustong mensahe na itawid ng direktor, na sayang ang galing nina Joem Bascon at Sandino Martin.
Last Sunday, I seldom go out. Rest day ko kasi ang Linggo. Pero napalabas ako para lang panoorin ang pelikulang “Straight to the Heart” ng first time director na si David Fabros.
Ang guwapo ng bida na si Carl Guevarra. Charming siya sa big screen. Actually, nakadi-distract ang kaguwapuhan niya sa role niyang bading na nang mabagok ang ulo at nang magising sa pagka-comatose ay nagka-amnesia ito bigla na nang magising, biglang naging straight at naging babaero.
Magaling siyempre sina Vincent de Jesus at Ricci Chan. Isama mo na rin si Kiko Matos (straight po siya) sa roles nila as mga beki na kasama ni Carl sa salon na pinagta-trabahuan nila. Si Gwen Zamora naman, acting na acting sa role niya as the “biyanang”(lesbian) na bestfriend ni Carl na kahera ng salon, na sa ending ng pelikula shock-booggie ka at biglang nagbago ang ihip ng hangin sa mag-bestfriend.
Sa totoo lang, waley ang acting ni Carl Gueverra. Sayang. Nabalitan ko na nagpa-audition pa pala ang production company na nag-produce ng pelikula for the role.
Reyted K
By RK VillaCorta