SA PAGPASOK ng taong 2012, uma-asa si Carla Abellana na mas maraming magagandang bagay at opportunities will come along her way. Aniya nga nang matanong namin… “I’m hoping that it would be a better year for me, career-wise. Sana hindi siya kasing stressfull at kasing-ngarag ng 2011.”
At mas colorful pa ang kanyang lovelife?
“Sana. Kasama na rin ‘yon,” na-ngiti sabi pa ng aktres. “But you know, you can’t have everything. ‘Di ba, hindi naman puwedeng colorful lovelife at colorful career? Eh, maganda na para sa akin ‘yong balance.”
May magaganap na bang kasalan this 2012?
“Wala naman. Wala. Uhm… magri-renew pa lang ako ng kontrata. So, ayoko namang maging hadlang ang kasalan sa gano’ng bagay.”
Hindi pa ba siya kinukulit ng boyfriend niyang si Geoff Eigenmann?
“Hindi naman. Wala sa aming nagkukulitan. Hindi nga namin napag-uusapan ang tungkol do’n.”
Habang tumatagal ba, lalo niyang minamahal si Geoff?
Natawa si Carla bago nakapagbi-gay ng kasagutan. “Habang tumatagal, mas marami akong natututunan sa kanya. Ang that’s part of loving him. Pero ‘yong kasalan… no. Not in the near future.”
Together silang mag-spend ng New Year?
“Oo. Nitong Christmas din kahit papano, nakapag-celebrate din naman kami together. So sa New Year, gano’n pa rin. Pangalawang New Year na namin ito together. We celebrate it with our families first. Tapos kasunod ‘yong magkasama kami after.”
Ano ang Christmas gift niya kay Geoff?
“Sapatos na Nike. At saka coat na maganda na Versace na inorder ko pa from other country.”
Ano naman ang Christmas gift sa kanya ni Geoff?
“Wala,” sabay tawa ni Carla. “Hindi pa raw dumarating ‘yong kanyang inorder. Hindi naman siya kuripot! Ha-ha-ha! Hindi lang umabot sa oras ‘yong kanyang inorder. You know, Christmas is about giving. But there are 364 days in a year para bumili ng regalo, ‘di ba?”
May New Year’s resolution ba siya?
“Wala. Hindi ako nani-niwala sa New Year’s re-solution. Kasi hindi ko naman natutupad. ‘Di ba? Puwedeng iisa lang ang goal mo for the whole year. Pero mas naniniwala kasi ako na maliliit na goals na lang spread out though the year. Tapos isa-isahin mo na lang na ia-achieve.”
Oo nga naman!
SA PAGPAPATULOY ng showing ng mga entries sa 37th Metro Manila Film Festival, hindi natitinag sa pangunguna sa box-office ang Enteng Ng Ina Mo nina Vic Sotto at Ai-Ai delas Alas. Pumapangalawa naman ang Panday 2 ni Sen. Bong Revilla.
“I would like to congratulate Vic Sotto and Ms. Ai-Ai for being the number one nitong Metro Manila Film Festival,” ani Sen. Bong nang makakuwentuhan namin.
“Kumbaga, at least ‘yong pelikula natin… doing very well din. Sa ngayon we’re number two. Pero ang mahalaga rito, masaya ang Metro Manila Film Festival. Natural lang na may mga intri-intriga. Basta ang importante, huwag mag-away-away dahil pelikula lang ito. Kumbaga, ang hangad ng lahat ay mapaganda ang pelikula ng bawat isa.”
Satisfied naman daw siya sa performance sa takilya ng kanyang pelikula.
Wala bang planong makasama rin niya ang misis niyang si Lani sa Panday series niya?
“Meron ka-ming pinaplano na comedy movie na pagsasamahan namin. Antayin n’yo na lang. Sorpresa ‘yon. Remember ‘yong ginawa namin noon na Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis? So, abangan n’yo, gagawa ulit kami ng gano’n.”
Meron ba siyang New Year’s resolution?
“More time with the fami-ly. ‘Yun!”
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan