NAGSISIMULA NANG mag-promote ang mga entries ng Metro Manila Film Festival, at mabuti naimbitahan ako sa presscon ng Shake, Rattle and Roll XV ng Regal Films ni Mother Lily siyempre.
Ang tatlong bidang babae pa lang ang isinalang na sina Lovi Poe, Carla Abellana at Erich Gonzales.
Wala pa akong nakitang poster nila dahil ang dinig ko, nagtatalo-talo pa raw sila sa billing.
Siyempre, hindi papayag ang mga manager nila na maagrabyado ang kanilng alaga.
Pero napag-uusapan ng mga bakla, tingin daw nila dapat na mauna si Carla, sunod si Erich at may “and” si Lovi Poe.
Sa kanilang tatlo naman, mas lamang talaga si Lovi pagdating sa achievements at kung paano sila nagsimula.
Paano naman ang mga leading man nila? Alam ko kasali si Dennis Trillo, kaya papayag ba si Popoy Caritativo na mahuli ang pangalan ng alaga niya?
Tingnan natin kung paano maayos ‘yan nina Mother.
Pero mukhang maganda itong bagong Shake dahil promising at napatunayan namang magaling ang mga direktor nila.
Si Perci Intalan ang direktor sa episode ni Lovi, at si Direk Dondon Santos kay Erich na kuwento at si Direk Jerrold Tarog naman ang kay Carla.
Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis