ALAM KONG sa edad kong ito ay “walang puyatan,” pero gusto kong makapanood ng mga old style variety show, kaya watched kami ng Walang Tulugan.
Ewan ko ba. Na-miss ko si Kuya Germs at ang style ng hosting niya.
Lalo na ‘pag nag-ookrayan sila ng Japanese cutie na si Aki. Kabisado na nga namin, eh.
Inaabangan din namin ang spot number ni Jhake Vargas at kung anik-anik pang production number ng mga bagets.
Me mga makikita ka roon na talaga namang sasabihin mo na sana ay nagpatuloy na lang ng pag-aaral dahil doon siya magiging successful.
Pero ganu’n talaga si Kuya Germs, eh. Nasa dugo na niya ang pagtulong sa mga nangangarap magkaroon ng puwang sa showbiz.
Abonado pa nga siya sa honorarium ng mga bata out of awa na lang.
‘Yung iba siguro’y tataas ang kilay at iisiping sino ba ang “pinapaboran” palagi ni Kuya Germs.
Noon pa naman ganon ang isyu. Pero isa lang talaga ang hindi mabubura: ang pangarap ni Kuya Germs na magkaroon na naman ng another Lea Salonga o Piolo Pascual among all the bagets na tinutulungan niya sa Walang Tulugan.
NAPANOOD NAMIN ang guesting nina Carla Abellana at Tom Rodriguez para i-promote ang kanilang movie under Regal Entertainment.
After singing the theme song, umupo na sila sa couch para matsika ni Kuya Germs.
Towards the end of the interview, ask ni Kuya Germs, “Magkakaroon ba ng premiere night ang ‘So It’s You’?”
Sagot agad ni Carla, “Ay, malamang po magkakaroon ng premiere night sa gabi.”
Sayang. Kung sa tanghali sana gaganapin ang premiere night, gusto ko sanang manood.
“NAGKAPAA NA si Dyesebel, kelan ka naman magkakabuntot?” sey ng isang me 40 years old na babaeng fan nu’ng makita kami sa isang mall.
“Papalagay na po ako ng buntot, pero me kundisyon po silang hinihingi, ate,” sey ko.
“Ay, ano?”
“Kailangang malagyan din kayo ng sungay!”
“Hahaha! Ikaw talaga, palabiro ka talaga!”
“Seryoso po ako.”
“Huh? Seryoso ka?”
“Charot lang, ate.”
Oh My G!
by Ogie Diaz