Carla Abellana, tambay sa taping ng show ni Tom Rodriguez?

Tom-Rodriguez-Carla-AbellanaHOW TRUE ang nakalap naming balita na laging napagkikitang nanonood si Carla Abellana sa taping ng newest game show ni Tom Rodriguez sa Kapuso Network? Pero sandali lang naman daw itong nanonood at kapag break ay nag-uusap silang dalawa ni Tom at ‘pag nag-resume ng taping ay umaalis na si Carla.

Marami nga raw ang nagugulumihan kung ano ba talaga ang tunay na estado sa relasyon ng dalawa, lalo na’t wala namang pag-amin na namumutawi sa mga labi ng mga ito na sila na ngang dalawa.

Wala nga raw palya si Carla sa pagpunta-punta sa taping ng game show na ito ni Tom, na kung minsan daw ay napagkakamalan ng iba na isa siya sa contestant pero hindi naman. Mukhang 100% ang ipinakikitang suporta ng maganda at mahusay na aktres sa kanyang ka-loveteam dahil marami siyang oras para tumambay sa show ni Tom.

Huling-huli nga raw ng mga taong nasa loob ng studio ang sweetness ng dalawa habang magkasama at nag-uusap. Kaya naman daw marami ang kinikilig dahil bagay na bagay raw ang mga ito. Aprubado nga sa marami kung magkakatuluyan ang mga ito at magiging bf-gf lalo na’t magkatambal sila sa My Destiny at malaking tulong para mas lumakas pa ang kanilang tambalan nang sa ganu’n ay tumuloy ang kanilang pagtatambal sa mga proyekto ng GMA 7 at maging ng Regal Entertainment.

Campaign ads ng Upgrade sa Myphone labas na   

 

MASUWERTE ANG isa sa hottest boyband sa bansa at Internet sensation at mula sa Viva Entertainment na grupong Upgrade na kinabibilangan nina Kcee Martinez na siyang host ng singing contest na “Sing For Your Dreams” na napapanood sa Celebrity Channel sa YouTube tuwing Linggo ng 8am na hatid ng SMAC TV Production, Miggy San Pablo na kasama ng kapatid ni Yassi Pressman sa music video ng mahusay na acoustic singer na si Princess Velasco, Ron Galang, Rhem Enjavi, Raymond Tay, Armond Bernas, at Mark Baracael na kaliwa’t kanan ang paggawa ng commercials, dahil kahit isang grupo sila ay may kanya-kanyang proyektong ginagawa.

Bukod nga sa kanilang individual shows, sandamakmak din ang kanilang endorsements mula sa UniSilver Time, Royqueen Gadgets, Mogu Mogu Manila, Headway Vera Salon, Shimmian, Cardams, Pen Entertertainment Productions, at ang pinakabago ay ang MyPhone kung saan lumabas na ang kanilang ad campaign para sa nasabing brand ng sikat na cellphone sa Pilipinas. Kung saan part ng kanilang promotion ng MyPhone ay paglibot sa iba’t ibang malls sa bansa.

Ayon nga sa leader ng grupo na si Kcee, affordable at may mataas na quality ang cellphone (MyPhone) na iniendorso ng kanilang grupo, bukod pa sa very trendy ito at swak na swak sa mga kabataang mahilig sa cellphone katulad nila. Out na nga raw sa lahat ng branches ng MyPhone ang cellphone na kanilang iniendorso. Sana nga raw ay suportahan ito ng kanilang loyal supporters at ng iba pang mga kabataan na mahilig sa cellphone.

Webserye ng SMAC TV, click sa kabataan

 

CLICK NA click sa mga kabataan at talaga namang inaabangan ng  mga ito ang Webserye ng SMAC TV Production na I Never Knew Love na mapapanood sa YouTube at pinagbibidahan nina Benz Bautista, Carla Zara at Prince Teodoro mula sa mahusay na direksiyon ni Michael Mateo.

Ang I Never Knew Love ay istorya ng buhay pag-ibig ng isang teenager na babae at ng isang bank employee na na in love sa isa’t isa at hindi alintana ang kanilang age gap na ginagampanan ng mga character sa nasabing serye na sina Jenny at Peter na dumaan sa maraming pagsubok at kritisismo mula sa mga nakapaligid sa kanila at maging sa kani-kanilang pamilya.

Sa seryeng ito makikita ang power of love, ang pagsasakripisyo sa maraming bagay para sa isang tunay na pag-ibig. Tatakbo ang nasabing serye nang apat na episodes. Kaya naman tumutok na tuwing Sabado ng gabi at panoorin sa Celebrity Channel sa YouTube ang love story nina Jenny at Peter.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleKris Bernal, ‘di pa naka-move on kay Carl Guevarra
Next articleBenjamin Alves, napaghihinalaang bading dahil sa kaeklatan

No posts to display