CARLO AQUINO
Real Name: Carlo Jose Liwanag Aquino
Birth Date: September 3, 1985
Zodiac Sign: Virgo
Symbol: The Virgin
Ruling Planet: Mercury
Quality: Mutable
Element: Earth
Basic Trait: I Analyze
Closest Metal: Quicksilver
Lucky Day: Wednesday
ANGELICA PANGANIBAN
Real Name: Angelica Charlson Panganiban
Birth Date: November 4, 1986
Zodiac Sign: Scorpio
Symbol: The Scorpion
Ruling Planet: Pluto
Quality: Fixed
Element: Water
Basic Trait: I Desire
Closest Metal: Plutonium
Lucky Day: Tuesday
Alam namin na halos isang buwan sa simula nang ipalabas ang reunion movie nina Carlo Aquino at Angelica Panganiban na Exes Baggage, pero bakit ba? May hangover pa kami, noh!
Overload kasi sa kilig at what ifs ang CarGel. Alam mo ‘yung tipong kahit aware ka naman na super bagets pa sila nang maging magdyowa, hindi mo pa rin maiwasan na i-wish na sana’y sila na lang ulit in real life. Tutal, pareho silang single at mukhang mahal pa rin naman nila ang isa’t isa, huh!
At dahil may hangover pa rin kami (paulit-ulit?!), pati zodiac signs nila ay napagtripan na namin. In reality ba ay may tsansang maging forever din ang ending nina Carlo at Angelica? Maybe the night…
Compatible ang Virgo at Scorpio. Pareho silang simple at mahilig silang mag-imbestiga sa mga taong nakakasalamuha nila, kahit magkaiba sila ng paraan ng pag-atake. Walang kinakatakutan ang isang Scorpio, samantalang mas nanaisin ng Virgo na maging tahimik at maingat sa kanyang bawat galaw. Hindi maiiwasang magkaroon sila ng conflict pagdating sa pakikitungo sa ibang tao. Mas maingay ang Scorpio at likas na mahiyain naman si Virgo.
Malaking-malaki ang tsansa na tumagal ang pagsasamang ito. Nasa kanila ang mga basic personality traits na swak sa isa’t isa. Pareho din silang matalino at talagang kinakarir nila ang isang usapin kapag sakop ito ng kanilang interes. Ang pag-dedebate tungkol sa iba’t ibang isyu ang mas lalong magpapalapit sa kani-lang dalawa. Mas romantic ang Virgo at more than willing naman si Scorpio na yakapin ito. Basta mapatunayan nila na loyal sila at naiintindihan nila ang isa’t isa, sureball na match made in heaven nga ang outcome ng pagsasamang ito.
‘Yown naman pala, eh! Kung saka-sakali ay hindi mala-yong magkatuluyan din in real-life itong sina Carlo at Angelica. Bakit nga ba naman hindi, ‘di ba? Now that they’re older, smarter, wiser, hotter, lahat ng …errr, go na bago pa mapurnada ang forever!!!
Pares-Pares
By Madam Damin