WITHOUT a lot of expectations, pinanood ko na sa wakas ang “Isa Pa, With Feelings” ni Direk Prime Cruz under Black Sheep and APT Entertainment (their first collaboration). Bida rito ang Kapamilya actor na si Carlo Aquino at Kapuso Phenomenal Star na si Maine Mendoza.
I remember early last year ay lumabas ang isang larawan nina Carlo at Maine na kuha sa premiere night ng “Meet Me in St. Gallen”. Doon pa lang ay nakita na ng mga tao na given the right material ay puwede silang magwork in a project. Tulad ni Coco Martin, ang pagiging ‘baby face’ ni Carlo makes him a suited leading man kahit sa mga mas batang leading lady like Maine. This year din ay ipinares siya kay Nadine Lustre sa ‘Ulan’.
Simple lang ang istorya ng ‘Isa Pa, With Feelings’. It’s about a girl who feels like she’s a failure in life dahil sa isang board exam na hindi niya naipasa. Eventually, makikilala niya ang isang binatang simpatiko na may kapansanan. Ang pagkakaroon ng ‘big dreams’ ng lalaki ang magpapagaan sa loob ng babae and before you know it, they’re both dancing and then they’re both in love.
Ipinapakita sa pelikula ang mga puwedeng pagsubok na mapagdaanan ng mga taong may certain disabilities and why it is a challenge to sustain it in both sides. Makikita rin ang epekto ng heartbreak sa mga tao and how they view love and relationships because of that pain.
Bilib ako kay Carlo Aquino. Mata pa lang, nangungusap na. Maine Mendoza shines as the depressed sa life pero idealistic sa love Mara and this is her best film to date. Kahit na hindi naman sila nagkasama in any project before this film, napaka-natural ng chemistry nila. Parang matagal na silang magkakilala at kampante ka as an viewer na aalagaan nila ang isa’t isa and will make this challenging project work. Learning sign language at ang mga dance sequences nila requires a lot of patience and practice and I’m happy to report na they succeeded my expectations.
Visually, matutuwa ang mga moviegoers sa pelikulang ito. The final dance sequence is my favorite dahil sakto ang music, dance, lights and overall execution ng eksena. Tinodo na talaga nila – with feelings!
Showing pa rin in cinemas nationwide ang ‘Isa Pa, With Feelings’. Para sa akin, ito ang pinakapaborito kong pelikula ng Black Sheep. Nag-level up din si Prime Cruz bilang director. Don’t miss it!