HINDI inakala ni Carlo Aquino na muli siyang magiging in demand bilang aktor at maibabalik ang kanyang kasikatan na-enjoy niya when he was still young.
Carlo is best remembered sa isang dialogue niya sa pelikulang Bata, Bata, Paano Ka Ginawa kasama si Vilma Santos saying, “Akala mo lang wala, pero meron meron, meron!”
Ano ba ang feeling na parang nagkaroon siya ng “second coming” sa showbiz?
“Ah, yon kasi ang maganda sa pagkakataon, eh. Habang nabubuhay ka hindi naman nawawala yon, patuloy na dumarating yan. Nasa sa iyo na lang yon kung iga-grab mo ba o hindi,” reaksyon ni Carlo sa muling pagsigla ng kanyang showbiz career.
“Winelcome ko yung chance. Pero kung noon naiisip ko na magkakaroon ng mga ganito, hindi,” dagdag ng aktor.
Sabi pa ni Carlo, nagpapasalamat siya sa mga producer na sumugal sa kanya sa mga previous films na kanyang ginawa na naging very successful naman. Very thankful din daw siya kay Angelica Panganiban na leading lady niya sa Exes Baggage.
Ani Carlo, “Oo naman, oo naman. Siyempre, papasalamatan ko si Angge. Marami akong pasasalamatan at hindi lang si Angge yon. Hindi ako matatapos dahil kaya ako nandito nagsasalita sa inyo kasi dahil sa kanila yon.”
Inamin din ni Carlo na gusto niyang pasukin ang recording and on the works na raw ito ngayon.
“Isa rin talaga sa passion ko is yung singing. Parte ng buhay ko talaga ang musika. Meron, meron akong gagawing sa Ivory Music,” he said.
Maging ang concert scene ay sasabak na rin si Carlo. Magkakaroon sila ng concert ni Matteo Guidicelli dubbed as Matteo X Carlo na gaganapin sa Music Museum on November 17.
“Oh, di ba, magko-concert na rin ako,” natatawa niyang pahayag.
La Boka
by Leo Bukas