After six months, balik-teleserye ang mahusay na actor na si Carlo Aquino via “We Will Survive” na pinagbibidahan nina Pokwang at Melai Cantiveros at mapanonood sa Feb . 29 sa Kapamilya Primetime Bida. Mula ito sa mahusay na direksiyon ni Jeffrey Jeturian.
Happy nga raw si Carlo Aquino na huling napanood sa Flordeliza, dahil meron na naman siyang trabaho .First time nga raw sasabak ni Carlo sa komedya, kaya naman daw excited siya. Hindi raw kasi niya alam kung makasu-survive siya sa pagko-comedy.
Tsika nga ni Carlo, “Hindi ko nga alam kung masu-survive ko ang pagku-comedy. Feeling ko, sablay ako. Hahaha! Pero hindi pa naman ako nakukunan na nagkokomedya, bukas pa lang. Tingnan na lang natin. Hahaha! Nandyan naman sina Pokwang at Melai, paaalalay na lang ako sa kanila.”
Bukod kina Pokwang at Melai, makasasama ni Carlo sa serye sina Josh De Guzman, Jeric Raval, Bea Saw, Regine Angeles, Viveika Ravanes, Bing Davao, Alcris Galura, Maris Racal, Joshua Zamora, at McCoy de Leon.
Sunshine Dizon, pasok din sa bagong “Encantadia”?
BUKOD KAY Kylie Padilla na gaganap daw na Amihan sa magkakapatid na Sangre sa pagbabalik-telebisyon ng “Encantadia” at kay Marian Rivera bilang Inang Reyna, ang award-winning actress na si Sunshine Dizon daw na original na gumanap na Pirena sa unang “Encantadia” ang isa sa sinasabing makasasama sa inaabangang serye ng Kapuso Network.
Maalalang last year pa sinabi ni Sunshine na gusto niyang mapabilang sa casts ng Encantadia sa pagbabalik-telebisyon nito ngayong taon. Kaya naman kung totoo nga ito ay wish granted para sa mahusay na aktres ang muling makasama sa “Encantadia”.
Pero wala pang announcement sa kung ano ang magiging role ni Sunshine. Mas maganda siguro kung kontrabida o ina ni Pirena ang gagampanan nito. Knowing Sunshine na magaling na aktres at minamani lang ang pagkokontrabida.
Coco Martin at Arjo Atayde, mahigpit na kalaban ng ibang artista sa pagka-Best Actor at Best Supporting Actor sa TV
MARAMI ANG humuhula na ngayong taon, ang mga mahuhusay na actor na sina Coco Martin at Arjo Atayde ang mahigpit na makalalaban sa pagka-Best Actor at Best Supporting Actor sa mga award-giving bodies sa telebisyon.
Kitang-kita kasi ang husay ng mga ito sa ABS-CBN serye na hango sa pelikula ni The King Fernando Poe, Jr., na “Ang Probinsiyano” na pinagbibidahan ni Coco at sa mahusay na suporta ni Arjo.
Kaya naman daw sa mahusay na performance ng dalawa sa top-rating serye ng ABS-CBN, malaki raw ang tulog ng ibang mga artistang lalaki sa lahat ng awards for TV ngayong taon.
John’s Point
by John Fontanilla