PAGKATAPOS mapatunayan ng maraming beses ang husay sa pag-arte bilang aktor, handa na si Carlo Aquino to fully embrace his musical side with his much-awaited first solo and pre-birthday show titled Liwanag In Concert this August 31 at the Music Museum.
“Nagsimula ako na tinuruan ako ng kapatid ko na mag-gitara ng right-handed, eh, left handed ako, so hirap na hirap ako. Tapos natuto ako sa at dun nag-umpisa ang lahat,” kuwento ni Carlo.
Ayon pa sa singer-actor, malaking influence sa kanya ang ama para ma-expose siya sa ibang uri ng musical genres lalo na sa mga classic songs kaya sa concert ay asahan daw ang mga old hits sa kanyang repertoire.
Dagdag pa ni Carlo, ipapakita niya sa Liwanag concert ang pagiging isang total performer. Meaning, bukod sa pagkanta, pagtugtog ng gitara ay sasayaw din daw siya.
“Meron kaming 5 to 6 days of rehearsal cause I’m planning to dance, which is a first for me,” nahihiya niyang pahayag.
“Sana mag-enjoy silang lahat. Yon naman ang pinakaimportante talaga, eh, yung mag-enjoy ang mga manonood at mag-enjoy ako bilang performer kasi hindi ko alam kung ito na ba yung first and last concert ko,” dagdag pa niya.
Magaganap ang Liwanag in Concert sa August 31 at the Music Museum with Frank Lloyd Mamaril as director and Louie Ocampo as musical director. Produced naman ito ng Hills & Dreams.
For tickets just call Ticketworld at 891-999, Music Museum at 721-0635 and 721-6726 and Hills & Dreams at 0977-7818540.
La Boka
by Leo Bukas