OLA CHIKKA NOW na!!! Oh, no… oh, yes… now na!!! To the maximum authority of chikka na talaga namang ako lang ang yours truly at nag-iisang chichikka nang bonggang-bongga na talaga namang ang isi-share ko sa inyo ay bonggang-bongga at walang sisira ng araw n’yo.
Heto na nga ang eksena ng isang director na si Carlo J. Caparas dahil nagkausap kami ng asawa niyang si Donna Villa na talaga namang napag-isip-isip nilang buhayin ulit ang local films at para magkatrabaho ulit ang mga maliliit na manggagawa sa industriya dahil natatabunan nga ang local films ng international films.
Maganda talaga ang naisip nila na gawing masigla ang buong industriya at ang bonggang news pa rito, nabili na ng Viva Entertainment ang 50 titulo sa 800 nobela ng kilalang komiks writer at naging National Artist at talagang binubuhay nila ang local industry.
Nakakatuwa talaga ang mga eksena dahil nga sa mga sinulat niya, pati ang Dugong Buhay ni Sen. Bong Revilla at kasama ang kanyang ama na si Don Ramon. Naku, talaga namang ngayon ay wala raw talagang babaguhin sa story at take note ang gaganap ay ang anak niya pang si Jolo.
At marami pa talaga silang bubuhayin na sinulat ng National Artist natin, kaya naman dapat talaga namang suportahan natin ang ganitong klaseng pro-ject, at remake ng Bakekang na pinagbidahan ni Nora Aunor, sana magawa na ito at mapasama pa rin si Ate Guy.
AND SPEAKING OF Nora Aunor, ayan dumako na tayo, at speaking of National Artist na isinulat ko noong nakaraang Lunes, nananawagan ako sa mga Noranians dahil pinanawagan ko na rin sa aking programa at ang dami na ring tumatawag. Ayan magkita-kita po tayo sa Sunday sa CCP Complex sa may Star City sa DZRH, 1-4 p.m. at para magkaisa po tayo na bigyan natin ng ganitong award si Nora Aunor bilang National Artist. Dahil siya talaga ang karapat-dapat na babaeng bigyan ng ganitong award. Bongga, ‘te…!
Kaya dapat tayo magtulungan para sa iniidolo natin.
AT HETO PA ang eksena ko ngayong araw na ito na talaga namang lumambot ang aking puso dahil linggo-linggo sa programa ko ay may pumunta sa akin na talaga namang akala mo taong grasa na siya at lagi sa ‘king nanghihingi ng tulong.
Isa rin siyang kilalang columnist noon at talagang masasabi mong ok naman siya ngayon talaga. Kung saan-saan na lang siya natutulog at balita ko, nakatira ito ngayon sa Baseco Compound, Tondo, Manila. Kawawa naman, kaya tuloy ngayon nabigyang-pansin na po siya.
Magkikita kami ngayong araw na ito para matulungan ko siya at maging maayos na sana siya, dahil sa tulong ng GMA-7 at Wish Ko Lang, ako po ang isa sa mga kaibigan niyang sumuporta sa kanya. Kaya sana po, manood kayo sa Saturday, para malaman kung sino ang aking tinutukoy… Pak! Kaloka, haha!
AYAN FOR MORE chikka, more fun… siyempre nais ko lang ipagmalaki sa inyo ang aking anak na nakakasama ko na sa aking programa sa DWSS 1494 KHZ at siyempre siya na rin ang bagong co-host ko sa DZRH TV. Kanino pa ba magmamana, at siyempre hindi rin siya natatakot magpasabog ng chikka! Ayan, ha?! Makinig kayo, Monday to Friday sa DWSSS 1494 KHZ 11:30-12:00 NN, at sa DZRHTV 666 KHZ, every Sunday, 2:30-3:30 PM. Badjao!
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding