NGAYON ANG LIBING ni dating Pangulong Cory Aquino. Sa pagluluksa ng bayan para sa itinuturing na simbolo at ina ng pagbabalik-demokrasya sa bansa, nawa’y hindi nga mawala sa bawat puso ang tunay na esensiya ng mga magagandang halimbawang ipinamana sa atin ng mga gaya ni Tita Cory. Maligayang paglalakabay po, Tita Cory!
Sa paglibing sa dating Pangulo, asahan nating may mga mabubuhay na isyu. Nangunguna na riyan ang tampo ng pamilya Aquino kay PGMA dahil sa pagtanggal ng security kay Tita Cory.
Naririyan ang usaping pagbabati ng mga Marcos at iba pang mga hindi nakasundo ng pamilya. May usapin din sa posibleng paglahok ni Kris Aquino sa pulitika na matagal na ring usapan kahit noong nabubuhay pa ang magiting nitong ina. May mga grupo rin daw na soon ay magsusulong ng move para gawing Santa ang isang Cory Aquino. Pinag-usapan nga rin sa lamay ni Tita Cory ang mga nag-imibita rin diumano kay James Yap na pasukin ang pulitika para sa lugar nila sa Negros. Baka raw sa mas mataas na posisyon tumakbo si Senador Noynoy Aquino, at mga samu’t saring ispekulasyon, opinyon at mga pangarap na bigla nga pong nabuhay sa naturang historical event na matatawag.
Well, anything is possible. Let’s just wait and see.
SPEAKING OF GRUPONG nagsusulong, paano kaya haharapin ni direk Carlo J. Caparas ang mga grupong nagpepetisyon sa kanya ngayon para ipawalang-saysay ang pagkakasama niya bilang isa sa pitong hinirang na National Artist for 2009?
Ayon sa nakarating sa aming impormasyon, ‘insulto’ diumano sa gaya nina Lino Brocka at Manuel Conde (Bernal, at iba pa) na maihilera ang mga likhang obra ni direk Caparas gaya ng The Cecilia Masagca Story: Antipolo Massacre (Jesus Save Us!),The Untold Story: Vizconde Massacre 2 – God Have Mercy on Us,Lipa Arandia Massacre (Lord Deliver Us from Evil), and The Marita Gonzaga Rape-Slay: In God We Trust! sa ilan sa masasabing “the greatest films in the Philippines” done by Conde and Brocka such as Ghengis Khan and Maynila: Sa Mga Kuko ng Liwanag, respectively.
Pero ang talagang ipinuprotesta raw ng grupo ay ang pagiging klaro na magkaiba ang kategorya ng visual arts at film (kung saan nga napili si Caparas). Writer nga naman si Caparas, at hindi niya kailanman. He has never illustrated any of his comics stories, least of all his most popular ones.
In the guidelines for selection of National Artist for Visual Artists, the category clearly covers: “Visual Arts – painting, sculpture, printmaking, photography, installation art, mixed media works, illustration, graphic arts, performance art and/or imaging.”
Paano nga namang ang hindi naman ilustrador ay mabibigyan ng parangal bilang National Artist for visual arts?
Hala, bayan ano po ang inyong masasabi?
Showbiz Ambus
by Ambet Nabus