Carlos Morales, nadisgrasya sa taping ng Galema!

Carlos-MoralesISINUGOD SI Carlos Morales sa isang ospital sa Antipolo, matapos itong madisgrasya sa taping ng “Galema (Anak Ni Zuma). Sa nakuha naming impormasyon, eksenang sumugod si Zuma sa bahay nina Divina Valencia at hinagis si Lito Legaspi, tapos, hinagis din si Carlos Morales.

Tapos, nabasag ang flower vase at tumusok ito sa braso ni Carlos, kaya duguan itong isinugod agad sa ospital.

As of now, okay na si Carlos at ‘yan daw ang dapat abangan, sabi ni Direk Wenn Deramas.

KAHIT YATA i-Google mo, hindi mo makikita kung ano ang meaning ng verb na “Napolize”. Ito ang salitang may kaugnayan sa Pork Barrrel Queen na si Janet Lim Napoles na panay ang sagot ng “Hindi ko po alam,” “Ewan ko po sa kanila” at “I invoke my right against self-incrimination!” sa bawat katanungan ng mga senador.

Mabubuwisit ka nga sa mga kasagutan, pero wala ka namang magawa, dahil constitutional rights niya ‘yon, kaya ‘yun lagi ang isinasagot niya.

Kulang na lang para lubus-lubos na ang kasinungalingan nitong si Napoles ay itanong sa kanya ng isang senador kung, “Madam Napoles, totoo po ba ‘yang kilay n’yo o tattoo na siya?” na sasagutin niya nang, “Hindi ko alam.”

Na bago mag-lunch break ay bigla siyang dumukot sa ilalim ng softdrink in can at itanong uli sa kanya ng senador, “Coke Zero ho ba ‘yang hawak n’yo, Madam Janet?”

Na sasagutin niya ng, “I invoke my right against self-incrimination!”

Carlos-Morales

NGAYON PA lang ay inaabangan na ang pinakabagong pelikula ni Pokwang, ‘yung Call Center Girl na showing na sa November 27. Ito ay bahagi pa rin ng 20th anniversary ng Star Cinema at nate-tense na nga si Mareng Pokey, dahil baka nga inubos na ng “She’s The One” at “Thor” ang pera ng taumbayan.

Pero base sa mga panonood ng mga kaibigan namin ay excited na silang mapanood nang buo ang pelikula, lalo pa’t trailer na trailer pa lang ay hagalpak na raw sila sa katatawa.

Kami mismo na may cameo role sa pelikula bilang “maid” ni Pokey sa house niya ay tawa nang tawa at ngayon lang namin sasabihin ito, ha? Ang husay-husay ni Pokey rito, lalo na ‘pag dire-diretsong monologue with matching tears. Sobrang clap kami nang clap sa kanya.

At malakas ang feeling namin kahit hindi kami manghuhula na papatok at magiging blockbuster ito simula sa Nov. 27. Kasama rin dito ni Pokey sina Chokoleit, K Brosas, John Lapus, Enchong Dee, Aaron Villaflor, Jessy Mendiola at marami pang iba, sa direksiyon ni ka-birthday Don Cuaresma.

‘Yung misis namin na hindi makalimut-kalimutan ang napanood niyang trailer, nu’ng malaman niyang may cameo role kami sa movie, ang sabi ba naman, “Beh, galingan mo, ha? Dahil nakakatawa ‘yung trailer!”

Na-pressure tuloy kami. Hahahaha!

Oh My G!
by Ogie Diaz

Previous articleKaso nina Claudine Barretto at Raymart Santiago sa Tulfo Brothers, ibinasura ng korte
Next articleSen. Bong Revilla Jr., inabandona na rin ng kaibigan

No posts to display