MASAYA ANG aktor na si Carlos Morales dahil ang diretorial debut niyang Piring ay napabilang sa eight selected films to vie in the Filipino New Cinema section of the 2015 World Premiere Film Festival. Organized by the Film Development Council of The Philippines, it will take place from June 25 to July 7, 2015. Bida sa pelikula niyang ito si Yussef Estevez kasama sina Krista Miller, Tessie Tomas, Bembol Rocco, Rocky Salumbides, Biboy Ramirez, at Teri Onor.
Paano ba siya nakapag-shift from acting to directing?
“Eversince naman, e. No’ng start pa lang na nag-aartista ako, talagang fascinated na ako sa pagdidirek, e. So, pinag-aaralan ko ‘yong style ng bawat directors. So, ina-apply ko iyon sa pagiging director ko. Hanggang sa… siyempre you have to have your own style, e.”
Unang pelikula pa lang niya ang Piring, pero kaagad ay magko-compete ito sa World Premiere Film Festival.
“Ako honestly, ‘yong makapasok lang dito… it’s an achievement already for me, e. And itong pelikula ko, satisfied naman ako sa kinalabasan. Talagang ibinigay ko naman lahat. So, kung anuman ang mangyari, happy ako. Kasi ibinigay ko lahat.”
Bago niya gawin ang first directorial job niya, nagkaroon ba siya ng formal lessons on filmmaking?
“Meron naman akong parang mga crash course no’ng nasa Amerika ako. Nag-migrate ako for a while, kasi nurse naman ako, e. Naging marketing consultant ako for a big hospital.”
What made him decide na bumalik sa Pilipinas?
“Wala, e… kumbaga I know that I belong here. ‘Yong passion ko nandito,” sa mundo ng pelikula ang ibig niyang sabihin.
“Kung iki-keep ‘yong creativity mo, hindi iyon maganda. You need to release it. And fortunately naman, kumbaga natulungan tayo. Nahanap ko talaga.”
Directing daw ang priority niya ngayon. Pangalawa na lang ang acting.
“Pero open pa rin ako na tumanggap ng acting project. O ng teleserye halimbawa.”
Mahihirapan siyang magdirek kapag may ginagawa siyang teleserye?
“Hindi. Ano lang ‘yon… time management. Actually, after nitong Piring, may isa akong gagawin na ako ang bida and at the same time ako rin ang magdi-direk. Ito, sobrang hirap nito kasi one year kong gagawin ito. Ang working title… Misyonaryo. Na isa akong misionaryo na nagpupunta hanggang sa nga bundok-bundok to preach the word of God. And then eventually, nabihag siya ng ibang religion, may gano’ng nangyari. Tapos along the way, nando’n ‘yong mga torture sa kanya.”
Kaugnay ng pagsi-shift ni Carlos sa pagdi-direk ng pelikula ay ang pagpapalit daw niya ng screen name.
“Hindi ko na gagamitin ‘yong Carlos Morales. Kasi nagka-problem ako riyan. Kapag pumupunta ako out of town or out of the country, kumbaga ‘yong association ng iba… kasi ang daming Carlos, e. May Carlos Agassi, may Carlo Maceda, may Carlo Aquino… Alam mo ‘yon? Na-assocuate ka sa ibang mga names. At saka parang ano na rin siguro… another chapter of my life na nag-venture ako into directing, gusto kong baguhin na. And ang gamitin ko na ay ang totoong pangalan ko which is Craig Woodruff, Jr.”
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan