PIKON SI CARMEN Soo! At galit na, ha? Kahit na festive ang environment sa Christmas tree lighting sa Araneta Center kung saan kabilang siya sa mga naging panauhin, nakasira ng mood ng naging paboritong leading lady ni Jericho Rosales ang tanong sa kanya na inili-link na naman siya this time kay Gab Valenciano after ni Echo. Itinuturo na naman siyang dahilan ng hiwalayan ng dalawang tao.
Kaya nga sa tonong asar, sinabi ni Carmen na ‘oo, ikakasal na siya, oo buntis siya,’ at kung anu-ano pang patutsada kung ikasisiya raw ‘yon ng mga walang-sawang nagdadawit sa kanya sa tuwi na lang na may nagiging problema ang magkaka-relasyon.
Sa panahong nagkasama sa trabaho sina Carmen at Echo, naging malapit na rin ang dalaga from Malaysia dahil nga sa madalas niyang makasama ang mga taga-Genesis (na management ni Echo, at kabilang dito ang buong Valenciano family).
Ipinagtataka lang ni Carmen kung bakit lagi na lang siya ang itinuturong dahilan sa pagkakaroon ng problema ng dalawang nasa isang relasyon.
Si Gab na ang nagsabi na naging close niyang kaibigan, kasama ng kanyang pamilya, pati na ng mga taga-Genesis si Carmen. At ipinagkadiin-diin naman ng binata ng mga Valenciano na wala siyang ibang planong ligawan sa panahong ito, kundi si Rachelle Ann Go lang. Ibinibigay nga raw niya rito ang espasyo para makagalaw sa gusto niyang sundin ngayon sa buhay niya. Pero, hindi raw mawawala ang pamamahal niya sa dalaga.
SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, mukhang naging komportable sa piling ng entertainment press ang bokalista ng Journey na si Arnel Pineda nang siya ang mag-cut ng ribbon sa Taboo Room ng Emperor Club doon sa Ortigas Home Depot recently.
For twenty five years, marami nga raw frustrations na inabot si Arnel sa pagiging musikero niya. Na kumbaga, eh, hindi lang sumu-swak sa isang magandang kapalaran.
“Dito kasi, kailangan, maganda ang height mo, may hitsura ka, kumpleto sa package. Hindi ko naman masasabi na discrimination ‘yon pero ganu’n ang nangyayari. Kailangan lang talaga na maganda ka sa mata ng mga tumitingin sa ‘yo. Kaya siguro, suwerte lang ang dumating sa akin ng magustuhan ng Journey ang timbre ng boses ko. They got me because of my voice, not my height, not my looks.”
At sa pananagumpay nga raw niyang makilala na rin ng buong mundo, Arnel wants to give back. Dahil laking-kalye siya at naging bahay na nito ang lansangan, naitatag niya ang kanyang Arnel Pineda Foundation, na bukod sa tumutulong sa mga nasalanta ng mga bagyong nagdaan, prayoridad pa rin niya ay ang mabigyang katuparan ang mga pangarap ng mga batang-lansangan na gusto niyang mapag-aral at matulungang maiangat ang buhay.
“Sa personal kong buhay at sa career ko, parang sabay-sabay namang ipinagkaloob sa akin ni Lord. Kaya, ano pa ba ang hihilingin ko kundi ibalik ang naging biyaya sa akin.”
At magpapatuloy sa pamamayagpag niya si Arnel, lalo pa kaya kung magkaroon ng collaboration sa kanila ni Charice Pempengco?
“Bakit naman po hindi?”
O kaya naman, a back-to-back with another international artist of Pinoy descent, si Apl de Ap ng Black Eyed Peas, ‘di ba? Magandang konsepto ‘yan, ha?
The Pillar
by Pilar Mateo