Carmi Martin malaki ang pakinabang sa pag-inom ng Yamang Bukid insulin plant tea at turmeric tea

Leo Bukas
PARA SA aktres na si Carmi Martin malaking challenge kung paano niya i-maintain ang kanyang figure at younger looking skin sa edad na 58.
Si Carmi ay nakilala bilang isa sa mga Dolphy’s Angels during the 80s at siya na lang ang bukod tanging active sa showbiz sa kanyang mga dating ka-batch.

“Well, everyday is a challenge me,” bulalas ni Carmi.

Carmi Martin

“I challenge na sasabihin ko, ‘Naku, parang tumataba ako,’ ganyan, because nga, di ba, you’re staying at home and most of the time you sleep or you watch K-dramas or something, na you’re so relax.

“Yon yung challenge ko, may mga times talaga na I feel na parang tumaba ko, lumalaki yung waist line ko,” patuloy niyang kuwento.
Si Carmi ang celebrity endorser ng Yamang Bukid Insulin Plant Tea na meron ding turmeric tea.

Naging lifestyle na rin daw niya ang pag-i-exercise kaya hindi siya tumataba.

“Yung sa skin naman, I do my exercise, I do my homeworks kaya hindi naman ganun kahirap talaga. So it’s already a lifestyle. And I’ve already accepted na sa edad ko, siguro masasabi ko naman na bless pa rin ako, di ba?

“Na hindi ko pinababayaan yung aking looks and at the same time yung aking inner beauty,” pagmamalaki niya.

When asked kung nakatulong ba ang pagiging single niya para maging stress-free ang kanyang buhay ani Carmi, wala naman daw itong kinalaman.

Katwiran niya, “Well, nakakatulong  yung may pananampalataya ka sa Diyos and a very healthy lifestyle. Kasi lumalabas sa skin yan, eh, di ba?

“So, yon talaga, yung lifestyle mo and I do exercise everyday.Umiinom din ako ng turmeric tea before I exercise. Actually, when I do my prayer, I drink turmeric tea.”

Samantala, isang taon na mula nung naka-recover sa covid-19 virus si Carmi. It was September 2020 nang naging positibo siya sa nakamamatay na virus na naging dahilan para matanggal siya sa cast ng digital movie na The House Arrest of Us nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Ano ang naging impact nito sa kanya?

“Siyempre ngayon ingat na ingat ako. Dati pa, before it happened talagang ingat na ingat ako. So ngayon, talagang ingat na ingat din kami dito sa bahay. Yung healthy lifestyle pinapraktis talaga namin sa bahay at yung matinding pag-iingat kasi nga mas matindi raw makahawa itong delta variant ngayon.

“Kaya ngayon pag nagsusyuting I bring my own car, hindi ako nagsasama ng tao sa kotse ko or even a driver kasi do’n ako nahawa – sa helper ko.

“Actually, noon before this pandemic happened meron talaga akong assistant, may tagaayos ng buhok. Kaya po ako natuto na magkaroon na lang ng bangs para maayos ko yung sarili ko. Kasi hindi ka talaga puwedeng magdala ng plus one, but you know being a veteran kailangan talagang dala-dala mo ang professionalism – yon ang isang key para magtagal sa showbiz,” tuloy-tuloy niyang pahayag.

Nagbahagi rin ng payo si Carmi sa mga nai-infect ng virus.

Carmi Martin

“Huwag kang ma-depress. Kasi pag na-depress ka lalong kakapit sa ‘yo yung sakit. Kasi yung sakit hindi yan sa Diyos, eh, produkto yan ng kalamidad so lalo yang kakapit sa’yo kung negative lagi yung nasa mind mo.

“Dapat paglabanan mo talaga. You exercise, exposure sa sun, pagkatapos you read yung word of God, yon ang mga dapat nating gawin. At huwag tayong matakot dahil 99 percent nang nagkaka-covid ay gumagaling naman,” mensahe ng covid-19 survivor sa kanila.

Kasalukuyang napapanood si Carmi sa iWant TFC digital series na Hoy Love You na pinabibidahan nina Joross Gamboa at Roxanne Guinoo.

Matagal din siyang naging bahagi ng ABS-CBN satire na Abangan ang Susunod na Kabanata at naging host ng sariling programa na Tonight with Dick and Carmi kasama si Roderick Paulate.

Previous articleSO HOT! Kylie Padilla at Andrea Torres mainit ang halikan sa BETCIN
Next article“SING GALING” NG TV5, TAMPOK ANG CELEBRITIES SA BAGONG SEASON

No posts to display