Okay lang daw sa super-seksi pa ring aktres na si Carmi Martin kung tumanda man siyang dalaga. Sa gulang niyang 53, masaya na siya kahit single at pakiramdam niya’y kumpleto naman ang kanyang buhay.
Esplika ng aktres, “Iyong sa akin, masaya na ako bilang single. Parang wala na akong plano, I’m happy to be single-blessedness. I give my time to the Lord and I have four beautiful dogs that I love so much. So para sa akin, tama na ‘yung ano… whole na ako at hindi ko na kailangan ang kabiyak or better half.
“For me, parang ang dali kong magbigay ng love ngayon, not specifically sa opposite sex. Mas madali kasi siguro, masasabi kong very light ‘yung life ko ngayon. Siguro funny, pero sabi nga, kung ang nailalabas sa iyo ng isang tao ay ‘yung mabuting side mo, ‘yun ‘yung better half mo or siya ‘yung mabuti para sa iyo. Pero kung worst naman ‘yung nailalabas mo, mas mabuti pang maging single na lang.
“So for me, being single ay parang ang light ng life ko, hindi ako mataray, at saka ang sarap ng tulog ko,” nakatawang saad niya.
Napag-usapan ang better half dahil ito ng tema ng bagong TV series ni Carmi na nagsimula nang umere last February 13. Sa seryeng “The Better Half” na napanonood pagkatapos ng “It’s Showtime”, gumaganap siya rito bilang kontrabida. Tampok sa serye ng Kapamilya Network sina Shaina Magdayao, Carlo Aquino, JC de Vera, Denise Laurel, at iba pa, mula sa pamamahala ni Direk Jeffrey Jeturian.
Naging sawi na ba siya sa pag-ibig? “Maraming beses na, kaya ayaw ko na nga, e. Kumota (quota) na,” nakangiting pahayag pa ni Carmi.
Ano ang mai-advice niya sa mga single na natatakot tumandang dalaga?
Sagot niya, “Naku uso na ngayon! Kasi noon, kapag sinasabing matandang dalaga, parang takot na takot. Even me noon kapag sinasabing – being a Christian na sinabing -, ‘O, you wanna be a single-blessedness?’ Feeling ko, ‘Ano ako madre?’ Ayaw ko nang word na iyon.
“But right now, I embraced it, kasi ang daming ayaw mag-asawa ngayon. Kasi alam mo iyon? Parang ang hirap din, the more na mas maraming tao sa mundo, parang ang hirap makahanap ng partner dahil ang dami kasing choices.”
Isinasara ninyo na ba ang pinto na balang araw ay mag-aasawa pa rin kayo?
“Ewan ko na lang kung kunwari kapag kasing guwapo ng mga napanonood ko sa Netflix, why not, ‘di ba?” Natatawang tugon niya.
“Pero kasi kapag sobrang guwapo, mayroon namang ganito at ganyan, hindi ba? So, hindi ko kino-close, pero right now, ‘yung pagkasaya ng buhay ko, kumpleto na siya, eh.”