MAGKAKASAMA sa isang podcast show ang magkakaibigang Carmina Villarroel, Candy Pangilinan, at magkapatid na Gelli at Janice de Belen. Walang maisip na magandang title ang apat kaya tinawag na lang nila itong Wala Pa Kaming Title.
Ayon kay Gelli, magiging madali para sa kanila ang podcast dahil magkakaibigan silang apat sa totoong buhay.
“Para ka lang nakikinig sa pag-uusap ng mga tita mo na nasa kabilang table. This is the ultimate chikahan ng mga amigas. It tackles anything and everything under the sun that concerns parents raising teenagers and young adults, with a vibe that is so approachable and friendly,” lahad ni Gelli sa kung ang dapat asahan sa kanilang podcast.
Para kay Candy, “It’s a freewheeling kind of show, very spontaneous. Wala kaming title sa show kasi wala rin kaming topic. When we talk, kung saan-saan napupunta ang usapan namin. Kasi, lahat kami, curious na tao, puro kami matanong.”
Sey naman ni Carmina, “Hindi kami nagpapaka-deep or educational. What we share is based on our own experiences sa buhay. We share our own journeys in life, kwentuhan lang.”
Bakit nga ba tumagal ang friendship nina Candy, Carmina at Gelli kahit pa napakahirap humanap ng totoong mga kaibigan sa showbiz world?
“Actually, not only in showbusiness mahirap humanap ng kaibigan, in any industry sa totoong mundo mahirap talagang maghanap ng totoong kaibigan. Siguro kasi since we’re just you know… medyo na ma-magnify nasa public eye kasi kami kaya parang medyo mas mahirap. Pero parang I believe kahit naman hindi artista, kahit wala sa showbiz world mahirap talagang maghanap ng tunay na kaibigan,” paliwanag ni Carmina.
Dagdag niya, “I’m just very very lucky, very thankful na nakahanap ako ng totoong kaibigan sa industry namin. Siguro bakit nag-last yung frienddshi namin is because of acceptance – acceptance ng bawat ugali ng isa’t isa. Siyempre, importante na nagdya-jive talaga kayo, na nagsuswak talaga kayo kasi yon ang pinaka-ano. Kasi minsan, medyo pag may nakilala ka ring tao medyo off na kaagad di ba?
“Itong sa amin talagang umpisa pa lang nag-jive na, and then yon ngang acceptance ng ugali ng isa’t isa na siyemre kasama na yung mga respect, trust at pagmamahal kasi in any relationship naman whether boyfriend-girlfriend, friendship or mag-asawa importante talaga yung tiwala, pagmamahal at respeto.”
Ibinahagi rin ng asawa ng aktres kung paano nabuo ang pagkakaibigan nila ni Gelli.
“I was only 12 years old no’n and she wa 14. Nakita niya ako na parang kawawa akong bata don sa isang event, nilapitan niya ako and since then palagi na kaming… Although, that time she was with Viva ako naman Regal at never kaming nakagawa ng movie together, but thank God, siguro sinabi ni God, ‘Naku kayong dalawa kailangang maging best friends kayo. At hanggang ngayon magkaibigan pa rin kaming dalawa,” pagre-recall ni Carmina.
“Si Candy naman, nagkasama kami sa movie dati pero hindi kami nagkaroon ng pagkakataon na maging close. Nagkaasama kami sa isang show, Tropang Trumpo, and then since then dire-diretso na. So ngayon yung relationship namin whether magkita o hindi, mag-text o hindi pero pag nag-usap, nagkita parang kahapon lang. So, I want to believe na tried and tested na talagang tested na talaga yung friendship namin,” dagdag na kuwento ni Carmina tungkol naman sa pinagsimulan ng friendship nila ni Candy.
Reaksyon naman dito ni Gelli, ibinabalik lang daw niya ang friendship na ibinibigay nina Carmina at Candy kaya sila nagkakasundo.
“Sa friendship, una sa lahat, you have to be a true friend yourself. I feel na ibinabalik lang nila sa akin ni Candy at Carmina kung ano ang ibiinibigay ko sa kanila, parang ganun yon, eh.
“Hanap ka lang ng totoong tao na gustong mag-share ng sarili niya na totoo. Nagkataon lan talaga na we were blessed that we found each other. And totoo rin yung birds of the same feathker flock together. So kung ano yung mga interes namin, kung ano yung things that are essential to us, to myself siyempre you are drown to people likewise, so feeling ko ganun ang nangyayari,” kuwento bi Gelli.