HANDA RAW si Carmina Villaroel na makatrabaho muli sa isang project mapa-TV o pelikula ang kanyang ex-husband na si Rustom Padilla na ngayo’y kilala na bilang BB Gandanghari.
“Kung duma-ting, kung may offer, tingnan natin. Kung hindi naman ako masyadong busy, why not?”
Tsika pa ni Carmina na ayaw muna niyang pag-usapan ito nang mahaba dahil wala pa namang ganu‘ng plano.
“Hindi ko alam. Depende. But ako naman kasi, ayaw ko munang mag-isip. Kung wala pa, ayaw ko namang pag-isipan,” aniya.
At kahit nga kay Zoren na asawa ni Carmina ay okey lang naman daw na makatrabaho ni Carmina si BB, basta maganda raw ang proyekto.
SPEAKING OF BB Gandanghari, handang-handa na raw itong magpa-sex change, pero dumaraan pa lang siya sa psychological test. Sa New York siya nag-spend ng Pasko at New Year. Nag-meet din sila ng kanyang special someone na isa ring modelong tulad niya.
Kaya naman if ever na magiging totoo na ang plano na magpa-sex change si BB, mukhang lalong hindi sila magkakaayos ng kanyang kapatid na si Robin Padilla na hindi tanggap ang pagiging bakla ni BB.
Kaya naman malabo yatang magkatotoo ang dasal ng kanilang ina na si Mrs. Eva Cariño-Padilla na magkasundo na ang magkapatid na Robin at Rustom… ay BB pala!
LAKING GULAT ng GMA Films President na si Atty. Annette Gozon-Abrogar sa revelation ni Sarah Lahbati sa kanyang tweets kung saan isa sa na-mention nito sa kanyang hinaing ang pangalan ng mabait na GMA Films boss.
Kaya naman nagbigay ng kanyang pahayag si Mam Annette sa mga naging tweet ni Sarah.
“Sarah’s tweets contain false and malicious claims and cannot be used to defend her actions.
“I have treated artists and all talent managers professionally, fairly and above board. Moreover, Sarah’s projects and shows for the whole of 2012 easily belie her claims of being treated unfairly by the Network.
“I have already consulted my lawyers for any legal action that I can take against her.” Pagtatapos ni Mam Annette.
TATLO ANG nakaline-up na shows ng Kapuso Network na dapat abangan ng mga manonood at ito ay ang Indio na pinagbibidahan ng mabait na senator na si Bong Revilla Jr. Ang pangalawa ay ang Forever nina Heart Evangelista, Geoff Eigenmann at Gloria Romero. Ang pangatlo ay ang Para Sa ‘Yo Ang Laban Na Ito ni Manny Pacquiao.
John’s Point
by John Fontanilla