BONGGA ANG PAGBABALIK ni Princess Punzalan sa telebisyon. Siya kasi ang main contrabida sa The Last Prince na pinagbibidahan nina Aljur Abrenica at Kris Bernal.
Sinampolan ni Princess ang press ng kanyang pagiging contrabida sa presentation ng cast. Pinalakpakan nang husto ang litanya niya laban kay Aljur at ang kanyang trademark na tawa ay talaga namang nakakuha ng atensiyon.
Siyempre, ‘di maiwasang matanong si Willie Revillame kay Princess. “Wala naman akong masasabi. Ang tunay na kaligayahan ay ‘di nanggagaling sa materyal na bagay o sa posisyon mo sa buhay. Nasa relasyon mo ‘yon sa Diyos. Kung at peace ka sa Diyos, sa sarili mo, at sa mga tao sa paligid mo,” say ni Princess.
Masaya nga ang aktres sa tinatamasang tagumpay ngayon ni Papi sa telebisyon. “Happy ako sa kanya dahil alam kong pangarap na niya iyon, matagal na.”
Naghiwalay nang maayos ang dalawa kaya wala naman silang problema sa isa’t isa. “Naghiwalay kami nang maayos, hindi kami nagpalitan ng masasamang salita. Okay kami.”
Sa ngayon, second year Nursing student si Princess sa Santa Monica College sa USA. Ikinuwento pa niya ang kanyang buhay-estudyante.
“Gigising ako ng 5 A.M., mag-aaral nang konti, tapos mag-aalmusal. Pagkatapos gagayak na ako. Kailangan 7 A.M. nandoon na ako kasi mahirap ang parking. Pagdating ko, magluluto ng hapunan. Sa umpisa mahirap uli bumalik sa pag-aaral kasi iba ‘yung discipline. Pero nakatulong ‘yung nagmememorya ka ng script, so hindi ganoon kahirap mag-shift.”
At nang matanong kung okay ba naman ang kanyang grades, ito ang naging sagot ng aktres: “Ayoko namang magyabang, pero okay naman. Nasa dean’s list naman ako.”
Happily married si Princess sa kanyang husband of five years na nakilala niya through a friend.
“Meron kaming common friend. Minatch niya kami. Sinabi niya, “Princess, parang nararamdaman ko na ‘yung ugali niya at ugali mo, eh, magiging s’wak. Pinag-meet niya kami tapos noong umpisa, friendship-friendship hanggang sa na-develop. Nakita ko ko naman kung gaano kaganda ang paraan niya sa pag-approach niya sa problem situation at saka kung paano siya magtrato ng mga tao. May mga test akong pinadaan sa kanya, pasado siya. ‘Yung mga advice ng mga nanay ko, pasado siya. Malalaman mo ang ugali ng tao ‘pag nakita mo siyang maglaro, ‘pag kumakain sa party at ‘pag nakita mo ang kanyang checkbook, kung ano ang priority niya sa buhay. Sa laro, makikita mo kung pikon, mandaraya, manloloko. Sa pagkain, nakikita mo kung concerned ba siya sa ibang tao. Minsan pagpunta mo sa buffet, inubos mo na lahat, takaw-mata. ‘Yung ganoon. ‘Yun kasi ang advice ng nanay ko eh,” tsika ng aktres.
HOW TRUE NA lilipat na si Carmina Villaroel sa Dos?
Ang nasagap naming tsika, tatapusin na lang ni Carmina ang The Last Prince at lilipat na rin daw ito sa ABS-CBN. Maaga raw na mamamatay ang character na ginagampanan ni Mina sa nasabing fantaserye. Role ng isang reyna ang papel niya rito at gumaganap naman na hari si Emilio Garcia.
Sa pagkakaalam namin, sa Dos naman talaga nagsimula si Carmina bilang artista. Sa sitcom na Palibhasa Lalaki siya sumikat talaga nang husto. Ten years din yata ang itinagal ng sitcom na pinagbidahan nina Richard Gomez, Anjo Yllana at John Estrada.
Ang isa pang natsika sa amin na balik-Dos na ay si Eagle Riggs. Hindi na raw kasi ito nag-renew ng kanyang kontrata sa GMA-7.
Parang nawalan daw ng gana si Eagle sa Siyete dahil wala raw increase sa kanyang talent fee sa bagong kontrata na inilatag sa kanya kaya naman nag-decide na lang siyang magbalik sa Kapamilya network.
Nakausap na ni Eagle si Direk Wenn Deramas na siyang tatayong manager niya ngayon. At mukhang masasama si Eagle sa Kokey @ Ako na isa sa mga pambatong show ng Dos na ididirek ni Wenn.
May pinagsamahan sina Eagle at Direk Wenn. Nagkasama sila sa Teysi ng Tahanan noong araw. Si Eagle ang parang sidekick ni Tessie Tomas sa early morning show na ito ng Dos noon.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas