Carmina Villaroel, pumalag na sa paninira ni Shalala kay Zoren Legaspi!

GUESS WHO’S THE next President wannabe? In 2016? Sirit?

It’s no less than MVP, short for Manny V. Pangilinan whose business holdings—tulad ng alam natin—are far and wide, and are becoming further and wider. Isa na nga rito ang TV5.

Ito ang malakas na bulung-bulungan ngayon, so says my reliable source, sa planong pagtakbo ni MVP sa pinakamataas na posisyon ng bansa come 2016: a quantum leap from business to politics. Pero baka magbago pa raw ang ihip ng hangin, maaaring sungkitin muna ni MVP ang pagka-senador in 2013 as his political baptism of fire, ‘ika nga.

But should MVP run for the presidency, dalawang Manny na silang maglalaban, the other being the equally formidable Manny Villar. Manny V. versus Manny P. How exciting!

ON BEHALF OF her partner, nag-react na rin si Carmina Villaroel sa ginawang pamba-blind item ni Shalala kay Zoren Legaspi in a recent episode of TV’s Juicy.

Nauna munang pumalag si Zoren sa ibinalita ni Shalala involving the former’s driver kung paano itong tinrato ng aktor.

Malumanay, pero halatang imbiyerna si Zoren kay Shalala, na kung maaari raw ay magdahan-dahan sa mga iniuulat nito lalo’t wala naman daw katotohanan ang isyu.

At this juncture, nakisali na rin si Carmina bilang depensa sa kanyang dyowa: Sana man lang daw ay si IC Mendoza na lang ang niresbakan ni Zoren dahil mas kilala ito kumpara kay Shalala.

Challenge ito kay Shalala para makilala siya, hindi lang basta bilang “creation” ni German Moreno, kundi patunayang isa siyang credible host who does not “masturbate” his blind items for the sake of entertainment.

MOVE ASIDE MUNA ang mga issues involving Toni Gonzaga and her friendship gone-sour with Mariel Rodriguez, plus John Lloyd Cruz with Shaina Magdayao…for a while, let’s all slip into selective amnesia. And what an apt mental disposition to give way to Star Cinema’s My Amnesia Girl.

I-focus muna natin kung anumang merong shock value ang tambalang Toni-Lloydie that claims to be a worth-remembering screen partnership despite its literal title that connotes forgetfulness.

Kung tutuusin nga, the movie is a breather from it all, isang pagtakas mula sa mga real-life intrigues na kinakaharap nina Toni at Lloydie with one “broken” commonality: friendship and hymen (pardon the language). Pero mas curious ang mga manonood, will Toni and Lloydie be able to rise above such issues via this one-time screen tandem?

Well, let the Judgment Day be on November 24.

WINELKAM NITONG LUNES ang pagiging regular na ring host ng Tweetbiz ni Lolit Solis. Admittedly, having ‘Nay Lolit on this nightly program on QTV is a riot. Kung gaano kasi siya kaingay in person is exactly the way she is on TV.

So there.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleMarian Rivera, dedma sa pag-ayaw sa kanya ni Vivian Velez
Next articleBaby Lucho nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, nabinyagan na!

No posts to display