ANG pelikulang “Sundo“ ni Carmina Villarroel from Ten17P ang pumalit sa slot ng Kampon ni Kris Aquino na na-disqualify sa 2019 MMFF.
Kuwento ni Carmina, “Nung in-offer nila sa akin ‘to, sinabi nga nila na for filmfest ito kaya nga ang aga naming nag-shoot. Kasi nung nagsusyuting na kami in-announce na yung first 4 hindi kami nakapasok, so lahat kami, ‘Ay… pero hindi, hindi, may pag-asa pa, i-submit natin yung finished product.’
“Hindi naman sa ano, but I’m really confident with our movie, with the story itself saka iba yung atake ni direk sa horror na ito, eh, so medyo slight confident ako na, ‘Kaya ‘to’ kasi it’s really something new, eh.
“Pero sabi ko nga, kahit maganda kung ang dami-dami rin namang magaganda hindi ka rin makakapasok. So lahat kami, okey, kung ano lang yung gusto ng producer ko, ‘yon na lang yung pinagdadasal ko.”
Nakakaramdam ba siya ng pressure na horror film ni Kris ang kanyang pinalitan?
“Ay, huwag na lang nilang i-compare,” reaksyon niya. “Kumbaga, iba siya, iba ako, di ba? Wala naman sigurong dapat i-compare because nagkataon lang na parehong horror yung amin. At saka hindi lang naman kami yung horror na pinagpilian, meron ding iba pa.
“Ayokong mag-isip ng pressure or ng expectations kasi ayokong maglagay ng pressure sa akin na, ‘Ah, ako yung pumalit kay Kris Aquino.’ Hindi, wala kasi dapat ganun, dapat walang ganun. Wala akong pinalitan, wala akong… wala.
“Basta ako nag-enjoy lang saka first time ng director namin na ma-experience ang Metro Manila Filmfest, and ako naman, like I said, dalaga pa ako nung huli akong nag-filmfest,” sambit pa ni Carmina.