Carmina Villarroel may paalala sa netizens na mahilig mag-overshare sa social media

Leo Bukas

AYON SA actress-TV host na si Carmina Villarroel, napapansin niya na madalas nag-o-overshare ang netizens pag dating sa mga online platforms na gamit nila. Wala raw naman itong isyu para sa kanila basta dapat lang daw na maging responsible ang mga ito.

Carmina Villaroel

“Ako naniniwala ako du’n sa oversharing — ako lang yon ha. That’s only for me. That’s why… hindi ako judgmental na tao. Kung anuman ang nakikita ko sa social media — Facebook, Twitter, Instagram o kung ano — if that is you page, if that is your account, I respect that,” mahalagang paalala ni Carmina na isa sa mga hosts ng podcast na Wala Pa Kaming Title (WPKT) kasama ang magkapatid na sina Janice and Gelli de Belen, at si Candy Pangilinan.

Dagdag pa niya, “Kung ano man ang shini-share mo, kumbaga, wala akong opinion don. I don’t care. That’s your business. Ang pinapakialaman ko lang yung sa akin kasi naniniwala ako sa oversharing depende sa topic ha.”

Mostly ay mga karanasan daw nila sa buhay na pupwedeng kapulutan ng lessons ng kanilang listeners ang kanilang ibinabahagi.

“So, kami nga, yung sharing namin ay sharing ng mga magkakaibigan na puwedeng marinig ng ka-table sa kabila because hindi naman ito yung super secret na, ‘Ah, kailangan ganito lang.’

“Yung sharing, meaning in terms of mga experiences namin in life. Baka kasi through our kuwentuhan yung listeners namin baka matuto sa aming experiences. Hindi kami nagpapaka-righteous. Hindi kami nagpapaka-know-it-all. Like I said, we are sharing our journey to our listeners,” paliwanag ulit ni Carmina.

Nagbigay din ng advice si Carmina sa tulad niyang celebrity na maraming online followers.

“Tayo, doon sa maraming followers, maraming naglo-look up sa atin so let’s all be responsible. And let’s say, kung anumang topic ang gusto mong pag-usapan… Sinasabi mo na what you see is what you get. I’m just being true, authentic. Nagpapakatotoo lang ako. Be ready sa magiging reaksyon ng mga tao.

“Now, if you don’t care then go ahead. That’s your life, that’s your page, that’s your account. Basta sa akin, wala ka lang inaapakang tao… Oo, that is your page, that is your account. Just make sure na wala kang inaapakang tao, wala kang inaagrabyadong tao then okey ka. Okey tayo,” giit ni Carmina.

“Pero sa akin, just be responsible. Yon lang yon. Whatever you do, just be responsible. Harapin mo kung ano mang consequences ang dadating sa buhay mo with your posts, or with your accounts, or with your comments, or with your videos or with your opinions. Just always be ready to whatever kung ano man ang dumating,” muling paalala ng aktres.

Previous articleZanjoe Marudo, bilib na bilib kay Bela Padilla bilang first time director ng ‘366’
Next articleKPop Album Review: The ReVe Festival 2022 – Feel My Rhythm by Red Velvet

No posts to display