Carrot Man Jeyrick Sigmaton, aksidente ang pagsikat

Jeyrick Sigmaton
Jeyrick Sigmaton

Hindi sinasadya ang kasikatan ng tinaguriang ‘Carrot Man’ ng Mountain Province na si Jeyrick Sigmaton. Hindi naman kasi niya dati hilig ang mag-artista. Para sa kanya, iyon ay napakataas na pangarap para abutin. Kaya lang, sinuwerte nga siya, na napansing bilang isang probinsiyano ay may kakaiba siyang hitsura at karisma. Umapaw ang pagkagusto sa kanya ng publiko at napakarami ang nagparating sa GMA-7 ng pagnanais na gawing artista ang binatang promdi.

Sa ngayon, product endorser na kaagad siya ng isang malaking clothing line. Napulsuhan kaagad ng nasabing kumpanya na malapit agad si Jeyrick Sigmaton sa puso ng masa. Siya kasi ang isang bagong patotoo, na kahit nasa mababang antas ka ng pamumuhay ay may mga pangarap na puwedeng matupad. Dahil iyon na nga sa ngayon ang nangyayari kay Carrot Man.

Nasa plano na talaga ang pagkakaroon ni Jeyrick ng acting career. Kumbinsido na siyempre siya na ang dapat patunguhan ng kanyang pagsikat ay ang pag-aartista na talaga. Sa teleserye man o pelikula siya mapanood, hindi naman siya basta isasabak ng Siyete, dahil ngayon pa lang, bilang preparasyon ay suportado siya ng GMA Artist Center kung saan siya nakakontrata.

ChorBA!
by Melchor Bautista

Previous articleAnnabelle Rama, wala nang dahilan para maaburido kay Elvis Gutierrez
Next articlePelikula nina Alden Richards at Maine Mendoza, idineklarang box-office film base sa kita sa unang araw

No posts to display