Cast ng bagong soap na Nathaniel, nag-pictorial na

Cast-of-NathanielMABAIT TALAGA ang Diyos, no? Grabe. Nitong nakaraang linggo lang ay sunud-sunod na pagsubok ang dumating sa buhay ko, pero buti na lang kamo, ang attitude ko sa ganyan ay nae-excite pa.
Baligtad, ‘di ba? ‘Yung iba ay nade-depress o iniiyakan na lang dahil walang maisip na solusyon, pero ako, nae-excite pa. Nae-excite ako kasi alam kong ‘pag me problema, me solusyon. At malulutas. Kasabay no’n ang magandang balitang darating.
Lagi na mula pa nu’ng ako’y maliit pa, ganyan palagi ang pattern sa buhay ko, dahil katwiran ko rin, hindi ka naman bibigyan ni Lord ng problema na hindi mo kayang dalhin at lutasin.
Saka binibigyan ka ni Lord ng problema kasi buhay ka pa. Kung tigok ka na, sa palagay mo, bibigyan ka pa ng problema?
Kaya sa mga nakakakabasa nito na may mabibigat na problema sa buhay, nako, para lang ‘yang yelo na gusto mong matunaw. Hindi ‘yan matutunaw kung hahayaan mo sa freezer.
Juice ko, me maikumpara lang. Pasensya na, wala nang maisip. Hahahaha!

ANO BA ‘yung magandang balita na tinutukoy ko? Ano pa nga ba, kung di ang itinawag sa akin ng isang staff ng ABS-CBN. Na pagkatapos ng Dyesebel, me kasunod na akong soap. At ito ay Safeguard.
Charot!
Seriously, isa uling teleserye – ang Nathaniel – kung saan very, very challenging ang role na ibinigay sa akin. At first time kong gagawin na nu’ng una ay pinag-isipan kong mabuti kung tatanggapin ko ba, dahil iniisip ko kung ano na lang ang sasabihin ng mga anak ko kung mapapanood nila ako sa ganung klaseng papel?
Pero inisip ko na lang, para rin naman sa mga anak ko ‘to, kaya gagawin ko. Gusto ko silang bigyan ng magandang edukasyon at kinabukasan, kaya labag man sa kalooban ko ay tinanggap ko na. Siguro, mag-i-immerse na lang ako para mas magkaroon ako ng idea sa role na ‘yon.
Or magtatanong-tanong ako kung paano ba itong iarte, ano ba dapat ang tamang hand gestures, mannerisms, nuisances, someting like that. Para ma-ready ko na ang sarili ko ‘pag nag-first taping day na ako.
Hay, nako… ngayon pa lang ay kinakabahan na ako talaga sa role ko dito bilang isang bading na executive assistant. Sana, makaya ko. Hashtag Charot.

AND SPEAKING of Nathaniel, siya na ang bago ninyong mamahalin na hindi ko muna p’wedeng isiwalat ang buod ng kuwento, dahil ayokong magmahadera. Hahahaha!

Basta ‘yan ay pinangungunahan nina Gerald Anderson, Shaina Magdayao, Pokwang, Benjie Paras, Jayson Gainza, Fourth and Fifth Solomon, Sharlene San Pedro, Jairus Aquino, ang gaganap na “Donya” (kung sino, abangan) at ang batang napakaguwapo at napaka-cute, si Nathaniel.

Nagkaroon na ito ng story conference, at ako mismo, sa pagkukuwento pa lang ng writer na si Shugo Praico ay nasabi ko sa sarili, “Wow! Bagong kwento, bongga!”

Kaya kaabang-abang ito. Katunayan, ang sabi pa ng Business Unit Head at ng Head ng Dreamscape na si Deo Endrinal, “Nakita ko ang pictorial, ang gaan-gaan ng dating!”

Nako, ‘yan din yata ang pakiramdam dati ni Deo sa May Bukas Pa. Umabot kaya ito ng isang taon ding airing? Juice Colored, sana nga!

Oh My G!
by Ogie Diaz

Previous articleFourth at Fifth, pasok sa bagong teleserye
Next articleSam Milby, ‘nagpapakadalubhasa’ sa Tagalog

No posts to display