Marami ang excited na mapanood ang pam-pitong installment ng pelikulang “Mano Po” na next week na, Wednesday (December 14), ang showing. Para sa pelikulang “Mano Po 7: Chinoy” na bida ang Pamilya Wong na pinangungunahan ng amang si Wilson played by Richard Yap at mom Debbie played by Jean Garcia, at ng tatlong anak nila na ginagampanan naman nina Enchong Dee, Janella Salvador, at Jana Agoncillo, silag lahat ay mga first timer sa “Mano Po” movie.
Pero bago ang showing sa December 14, sa December 9 (Friday) ay magkakaoon ng premiere night ang pelikula sa SM Megamall Cinema 9.
Hindi man napasama sa 2016 MMFF ang pelikula, gagawin pa rin ni Morther Lily at ng anak na si Roselle Monteverde ang nakasanayan na ng tao na Parada ng mga Artista. Ang parada ay magaganap at 5 pm sa sa lobby ng SM Fashion Mall na ang mga artista ng pelikula ay maglalakad patungong Cinema 9 kung saan isasagawa ang premiere showing.
Yes, si Mother happy sa sa magandang feedback ng publiko sa kanyang pelikula na isa na ring tradisyon sa showbiz na kapag MMFF ay may pelikulang “Mano Po”.
With the new “Mano Po 7: Chinoy”, point of view ng ama (Richard) ang iikutan ng kuwento.
Excited si Enchong sa movie lalo pa’t first Mano Po movie niya ito. Maging sina Janella at Marlo Mortel, positive na maganda ang response ng publiko sa muli nilang pagbabalik-tambalan.
At si Jean naman, masaya dahil may maaga siyang Pamasko sa supporters niya.
This Sunday naman, nasa Lucky Chinatown Mall ang cast ng pelikula, kung saan magkakaroon sila ng promo. Kahapon, Wednesday, ay bumisita si Richard sa iba’t ibang Chinese schools sa Binondo at nag-campus tour to promote his film na promise naman ng mga student ay susuportahan nila ang movie niya.
Reyted K
By RK VillaCorta