PA-EXIT NA ang sikat na afternoon series ng GMA-7 na Ika-6 na Utos ngayong Marso. Isa ito sa masasabi nating pinaka-epic na palabas ngayon dahil lagi itong pinag-uusapan ng mga netizens. Petmalu kasi ang mga riot na bakbakan sa pagitan nina Emma (Sunshine Dizon) at Georgia (Ryza Cenon). Kung minsan ay nakikisali pa si Geneva (Angelika dela Cruz) na back-up ang mga alipores nito.
Ang ibang netizens ay reklamo ng reklamo sa kasamaan ni Georgia, pero aminado sila na na-hook na sila sa programa. Tila ang stress nila sa totoong buhay ay dini-divert na lang nila sa panonood ng campy fight scenes ng mga bida.
Two weeks pa lang sa ere ang The Stepsisters na pinagbibidahan nina Megan Young bilang Mayumi at Katrina Halili bilang Isabelle, pero nakikitaan na namin ito ng promise bilang successor ng Ika-6 na Utos as far as catfights and effective portrayal is concerned.
Sa totoo lang, mas mainam na ito ang project na ibinigay agad ng GMA-7 kay Megan Young nang bumalik ito sa Kapuso network after her Miss World win. Mas palaban at mas bagay siya bilang Mayumi compared to her version of Marimar, na hindi masyadong tumatak sa masa. Si Marian Rivera pa rin talaga ang naaalala ng tao kapag binabanggit ang iconic character.
Si Katrina Halili naman ay nagiging Queen Villainess ng Afternoon Prime ng GMA. Mula Destiny Rose to Sa Piling ni Nanay to ‘D Originals, panghapong drama na naman ang ibinigay sa kanya. Well, ganyan talaga kapag magaling kang kontrabida.
Maganda ang The Stepsisters kung pagbabasehan ang mga episodes na ipinalabas nila. Naalala ko rito ang Legacy (Heart, Lovi and Alessandra) dahil stepsisters na nasa corporate world ang effect nina Mayumi at Isabelle.
Sa trailer ng episode for today ay nagrarambulan ang dalawang magagandang Starstruck graduates na talagang walang nagpapatalo, huh! Hindi na kami magtataka kung ma-hook din ang mga tao rito at sumunod sina Mayumi at Isabelle sa naging tadhana nina Emma at Georgia sa ratings game.
Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club