MATINDI ANG nakaatang na obligasyon sa bawat pulis na naka-assign sa Cavite Motorcycle Unit (CMU).
Hawak kasi nila ang lahat ng concern sa mga kalsada ng buong lalawigan ng Cavite.
‘Ika nga, maaari silang maging instrumento upang maging kaaya-aya ang paglalakbay sa mga lansangan ng Cavite.
Dahil kung talagang tatrabahuhin ng CMU sa pamumuno ni Police C/Insp. Angel Beros ay may kakayahan silang linisin ito mula sa masasamang loob na gumagala sa kalsada.
At siyempre, parekoy, maging ang mga kumakaripas na mga sasakyang kolorom na kadalasan ay nagagamit sa paggawa ng katarantaduhan.
Pero kung hindi sisinupin nang maigi ni Major Beros ang kanyang mga tauhan ay higit na malaking problema ang kahaharapin ng mga taga-Cavite.
Bakit? Aba eh, sino ang nakatitiyak na hindi gagamitin ng ilang tarantadong pulis sa CMU ang kanilang tungkulin para sa pansariling kapakinabangan.
Maliban pa ‘yan, parekoy, sa likas na kagaguhan!
In fairness, sa Cavite Motorcycle Unit, ayon sa ating “tawiwit” ay napakaraming mahuhusay at matitinong pulis d’yan.
At sila yaong mga inaasahan ng command na magpapaningning sa pangalan ng CMU.
Pero gaya ng sinabi natin, dapat ay maging mapagmatiyag si Maj. Beros.
‘Ika nga eh, ‘wag pasisilaw sa salapi.
‘Wag padadala sa matatamis na dila ng ilang mabuladas niyang tauhan.
Higit sa lahat, huwag patatangay sa mapupungay na mga mata.
Lalung-lalo na kapag with matching makapal na lipstick! Hak, hak, hak!
Tandaan mo Major, kaya nagkandaletse-letse ang buhay ni Adan ay dahil sa ganda ni Eba! He, he, he.
Sabagay, masarap naman, ‘di ba?
Siyanga pala, Major Beros, madalas kong makita na nakaparada sa harap mismo ng iyong tanggapan ang isang kulay dark blue na kotseng Honda Civic na may plakang WCM-754.
Tauhan mo bang pulis ang may-ari niyan?
Paki-sipatin mong mabuti Major dahil wala akong makitang nakadikit na sariwang sticker bilang patunay na na-renew ang rehistro niyan.
‘Di ba’t may kasabihan na charity begins at home?
P’wede rin kaya na ang paglilinis sa mga lansangan ay begins at home?
O baka naman lisensya ang pagi-ging miyembro ng CMU para kahit hindi rehistrado ang kanyang sasakyan ay siga pa rin ito sa kalsada?
Nagmamalasakit lang po ako sa iyo, Maj. Beros, baka kasi kumati ang dila ng ilang “concerned citizen” at maitimbre ‘yan sa dapat pagsumbu-ngan… tiyak na mapapahiya ang buong grupo ng CMU.
Sa totoo lang, napakarami pa naman ang magagaling at mababait mong pulis diyan.
Ingat lang po baka mahaluan ng isang bulok na kamatis!!!
PAKINGGAN ANG aking programang ALARMA Kinse Trenta sa radio station DZME, 1530kHz, AM band (dulong-kanan ng talapihitan) tuwing alas 6-7 ng umaga, Lunes hanggang Biyernes. Mapapanood rin ito via live streaming sa www.dzme1530.com. Anumang reaction ay ipaabot lamang sa [email protected] o CP No. 09098992775/ 09166951891.
Target
ni June Briones
[email protected]
09152121303