GUSTO KO ang pangarap ni Cavite Vice Gov. Jolo Revilla, na hindi nagtatapos ang edukasyon niya after receiving his undergraduate diploma recently sa Lyceum University of the Philippines.
Sa kabila ng kaabalahan niya sa kanyang paglilingkod bayan sa kanyang mga constituents sa Lalawigan ng Cavite at sa kanyang ‘lovelife’ (ibang topic ito at isusulat naming sa mga darating na panahon); gusto ni VG Jolo na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral para mas lalong equipped siya sa kaalaman kung papaano mapaigi at mapaganda ang kanyang paglilingkod bayan sa kanyang kinasasakupan.
Kaya naman excited siya muli na ipagpatuloy ang kanyang edukasyon via a short course sa Harvard University para makatulong sa kanya as Vice Governor of Cavite.
Sa Harvard, madaming mga nasa public office natin ang nagtapos ng kanilang mga kurso na ang galing ng pagtuturo sa prestigious institution na ito ay hindi matatawaran.
Sa ilang taon na pamamahinga ni Vice Gov. Jolo sa pag-arte at sa harap ng kamera ay mas tinuunan niya ng panahon ang kanyang pag-aaral at serbisyo publiko.
I’m sure at excited na ang mga Pinoy fans ng mga action movies sa pelikulang Tres ng nagbabalik na Imus Productions dahil sa naturang trilogy kung saan magkakasama sila na mga kapatid niya na sina Luigi Revilla at Bryan Revilla ay muli mapapanood si Jolo.
Sa pelikulang TRES, ang episode niya na 72 HOURS ay si Rhian Ramos ang leading lady niya directed by Dondon Santos same with Luigi’s AMATS and si Bryan naman for VIRGO.
Reyted K
By RK Villacorta