PASENSIYA NA, IT’S Holy Monday today yet this item might, or for sure, will incur the ire of the priests. But in a Christian nation, wala naman si-gurong masama kung paiiralin ang demokratikong pagsasaboses ng opinyon sa mga napapanahong paksa.
Inalmahan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang TV commercial ng isang fastfood chain showing two children na wari’y nagliligawan. Sa naturang patalastas, inirereklamo ng little boy ang pagiging demanding ng mga girlfriends sa isang relasyon. Pero giit ng little girl, simpleng French fries lang naman ang kanyang hiling.
Hindi nagustuhan ng CBCP ang naturang TVC, taliwas sa maraming nakukyutan dito kabilang na si Iza Calzado in her comment on Think TV, a new website (discussion page) on Facebook specially created (by director Rico Gutierrez) for the industry people. Nais ng grupo ng mga obispo na i-pull out ito sa ere, but as of early last week ay isinasahimpapawid pa ito although iniklian ito.
To begin with, hindi para ipasa ng advertising board ang naturang TVC if it so deemed na in bad taste ‘yon. The process begins from a story board by the ad company’s creative department presented to the client based on the latter’s requirements. Dito nagaganap ang sanrekwang revisions, which if finally approved for the actual shoot ay saka papasok ang auditions for the casting.
Kumbaga, it’s a tough step-by-step process until the TVC is allowed to air. But the CBCP does not see it this way. Kulang na lang sabihin nito na ang pagliligawan ng dalawang bagets is tantamount to promoting juvenile relationships na maaaring humantong sa sex!
What’s ironic, the CBCP is tight-lipped on the alleged child abuse case involving six year-old Jan Jan na sumayaw ng macho dance sa Willing Willie habang umiiyak. Ilang ahensiya na ng gobyerno ang nakisahog sa isyu, may clinical expert din, may Unicef, name it, it has become one big carnival of dissenting opinions.
Pero bakit walang stand ang grupong ito ng Kaparian, when Jan Jan’s TV exposure was even longer than the TVC na ilang beses pang in-upload?
SHINING, SHIMME-RING, SPLENDID. Ito ang arrive ni Cristine Reyes, minus the carpet ride, sa presscon ng kanyang movie, ang Tumbok ng Viva Films.
But just when you thought it was some dare-to-bare film, hindi po. It’s dare-to-scare dahil horror po ito that does not capitalize on Cristine’s tambok o umbok in whatever part of her God-given body.
Kaya hindi po “titillating” ang aasahan dito ng mga barakong manonood, kundi literal na “titili” ang hitad sa mga makapanindig-balahibong eksena sa pelikula ni Direk Topel Lee.
Bakit Tumbok? Just like most horror flicks in recent past, halaw rin ito mula sa ages-old pamahiin ng ating mayamang kultura, particularly if a residence or an establishment is situated on an area na “tumbok na tumbok na tumbok”.
Masamang senyales daw ang hatid ng anumang tirahan (in the story, condo unit ‘yon na inuupahan ng mag-asawang Cristine at Carlo Aquino) na nasa tumbok o T-junction as it invites negative energies, if not misfortunes that haunt its tenants.
Back to her role, pinaghandaan daw ni Cristine ang papel na Grace, her first full-length appearance in a scary movie. Having one of the most refreshing faces, when frightened ay ano kaya ang hitsura ni Aa (palayaw niya)?
Anyway, bagama’t sa May 4 pa ang showing nito (with a red carpet preem showing on May 2 at the Cinema 10 of SM Megamall), lagare ang hitad on April 17 at the Market, Market Activity Center at 3 p.m.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III